Writings about paralysis (1)
1 of 1

Saglit na Pagkakataon

Submitted by on March 18, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Taboo, Wife Lovers, Mature, Reluctance, Toys and Masturbation | Tags: , , , , ,

Jack of all trades, but master of none. Iyan ang kadalasang tawag sa kanila na hindi nakatapos ng pag-aaral. Tulad ni Elmo, hindi nagseryoso sa pag-aaral noong kabataan niya kaya third year high school lang ang inabot niya sa pag-aaral nang magdesisyon siyang magtrabaho na lang at sumama sa tiyuhin niyang drayber para maging alalay siya nito sa biyahe. At doon naging wash boy, utusan at konduktor ng dyip na binibiyahe ng kanyang tiyo Raul sa Tiaong, Quezon.

Dumaan ang taon ay napatunayan ni Elmo ang kasabihang “ang pagsisisi ay nasa huli” dahil ramdam niya ang hirap sa paghahanap ng trabaho lalo na kapag walang tinapos sa pag-aaral. Maswerte nga lang at nabibigyan siya ng trabaho ng kaniyang tiyuhin. Kung nag-asawa pa siya nang maaga ay mas lalo sigurong naghihikahos siya ngayon sa buhay. Sa ngayon ay nag-eextra na siyang magbiyahe ng dyip, pampasahero man o pang delivery sa kanilang lugar. Kung minsan ay pinapabiyahe ng tiyo niya ang dala nitong dyip kapag may lakad ang tiyo niya o kung may iniindang sakit sa katawan dahil sa may-edad na rin ito.

“Elmo, matanong nga kita, may interes ka pa rin bang mag-aral?” tanong ng kaniyang tiyo Raul, habang iginagarahe ang dala nitong dyip.

“Opo naman tiyo. Kung may pagkakataon nga lang uli na makapag-aral ako, hindi ko na ito palalampasin, seseryosohin ko na po ito …”

“O sige. Ikaw na lang ang pumunta sa Maynil...

1