Writings about Pangarap ka na lang ba (1)
1 of 1

Macky - House of Manila - Introduction

Submitted by on April 24, 2018 (28 days ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: One Night Stand | Tags: , ,

chrysanthemumNbloom here
Sadyang iniba ko ang mga pangalan at lugar upang maprotektahan ang mga tauhan sa kwento. Huwag ikalat ang istoryang ito. Magkakapigsa ka sa pwet. You’ve been warned.

Araw ng Linggo, tagatak ang pawis ni Macky. Ito na ata ang pinaka  mainit na naitalata sa buong kasaysayan ng Pilipinas (Ngunit ito’y sa kanyang kwarto lamang pala nangyayari). Tirik na ang Araw ng mga umagang iyon, pero mas tirik na tirik naman ang alaga ni Macky habang walang sawang pinagmamasdan ang dalagang mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Litaw ang mapuputing binti habang natatakpan lamang ng kumot ang ibang parte ng katawan nito. Paano nga ba ito nangyari? Tara, balikan natin ang mga pangyayaring nagpapabago sa buhay ng ating bida.

“Paps! Saan ka na? Ikaw na lang ang kulang. Kanina pa kami nila Chie dito.” sabi ni Ken sa kabilang linya. “Malapit na pre, medyo natraffic lang.” Sagot naman ni Macky. “Oh, sige. Bilisan mo kupal ka. Naghihintay na mga bebot sa atin sa House Manila.” wika naman ni Ken sabay patay baba ng tawag.

Oras: 9 ng gabi ng Sabado. Meeting place: Jollibee, Epza.  Yan ang nag a-alarm kanina pa sa cellphone ni Macky. “Naku, yari na. Mala-late pa ata ako. Libre na nga ako, tapos ako pa ang mala-late. Iba ka talaga Mackyyy.”  wika niya sa kanyang sarili habang paspasan siyang naliligo. Pagkatapos maligo, mabilisang nagbihis at sumibat na parang si the Flash (kung DC fan ka makikilala mo siya).

...

1