Writings about pain of loving someone (1)
1 of 1

Ulitin Natin ang Minsan

Submitted by on April 26, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Mature, Romance | Tags:

♪♫ Wish I could be the one
The one who could give you love
The kind of love you really need ♪♫

Habang banayad na humahaplos sa kanyang puso ang boses ni Celine Dion ay binasa nyang muli ang kanyang nai-send na text message sa isang numerong matagal ng hindi nya hinalungkat sa kanyang phonebook.

- Labs, meet me downstairs, sa Pancake House. Sabay na tayong mag-breakfast. That is, if you could spare me a little of your time. -

Labs. Isang katagang matagal na nyang hindi nasambit sa taong hanggang ngayon ay sya pa ring itinitibok ng kanyang puso. Alam nyang nasa itaas ng building na 'yon ang lalaking kanyang hinihintay habang nakaupo sya sa loob ng Pancake House. Nakita nya itong nakigulo sa adult site chatroom kung saan sila unang nagkakilala. At alam nyang kapag ito'y nakigulo sa chatroom na 'yon it only meant one thing, he was at work.

Siya si Christi, kararating lang galing sa ibang bansa kung saan sya nagtrabaho sa loob ng tatlong taon at ang taong kanyang inaabangan ay si Joshua, ang lalaking kanyang minahal sa loob na ng limang buwan.

Yes, five months, and yet pakiramdam nya ay matagal na nya itong minahal at hindi na mabilang ang mga pagkakataong kanya itong iniyakan.

"Tantanan mo na kasi ang lalaking 'yan. Hindi ka naman mahal nyan eh. Kasi kung mahal ka nya hindi ka nya hahayaang masaktan." Parang bazookang...

1