Writings about pagibig (2)
1 of 1

Tanginang Pagibig Yan

Submitted by on September 22, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Tanginang Pagibig YanAng dami kong nababasang mga sulatin ngayon na tungkol sa pagibig, hindi lang dito sa FSS kundi sa facebook at blogosperya, at karamihan sa mga nababasa ko eh masasakit at masaklap sa buhay-pagibig ng me akda. Hindi ako magkukunwari na perpekto ang love life ko, nasaktan na rin ako minsan at hindi rin ako magsisinungaling na maraming beses na rin akong nakasakit, at baka nga tuluyan pa ring nakakasakit hanggang ngayon.

Hindi ako eksperto sa larangan ng pagmamahalan dahil katulad nga ng sinabi ko, ang buhay pagibig ko man ay punong puno ng kamalasan. Pero dahil nga siguro sa edad at paghutok ng panahon sa akin, marami akong natutunan sa putanginang pagibig na yan. Hindi ako bitter, pero dahil nasaktan ako, nasugatan at nagkapeklat na sa tuwing masasaling ko sya o makikita eh nagpapaalala sa akin ng aking karanasan. Sa tingin ko maraming makaka-relate sa akin sa sulatin ko na to, at tiyak akong marami rin namang kokontra din, dahil siguro hindi nya pa nasubukan magmahal ng lubos, or baka nilaspastangan sya ng clown nung bata pa sya.

Sa totoong buhay di naman ako kumontra, at hinding hindi kailanman kokontra sa mga kapwa mambabasa at manunulat na hopeless romantic. Minsan isang parte ng buhay ko eh naniwala din ako na ang pagibig eh katulad ng napapanood sa sine. Yun bang punong puno ng kilig, me konting aberya pero in the end happily ever after pa rin ang peg. Pero habang nagkakaedad ako narerealize ko na mas marami ang aberya kesa sa sweet sweetan sa toto...

Layo (LDR)

Submitted by on August 13, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , , ,

Nakatanaw sa dulo ng lupain,
Minamasdan buwan at mga bituin.
Iniisip kung anong dapat gawin?
Pangungulila'y wag ng mapasa'tin.

Ibig ko sanang lagi kang kapiling,
Upang pagtulog ko'y maging mahimbing,
At kayakap ka sa aking paggising.
Ngunit ito man ay di minagaling.

Hanggang kelan ba ako magtitiis?
Daing ng pusong nangaghihinagpis.
Bakit hinayaan ka pang umalis?
Kailanman ay hindi ko yun ninais.

Ilang milya man ang ating pagitan,
Ibig ko nga na iyong maalaman-
Na ang puso ko'y sa'yo nakalaan,
Hihintayin ka, aking kasintahan....

1