Writings about paasa (2)
1 of 1

Your Love: Trisha

Submitted by on September 19, 2016 (2 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, First Time, Mature, Romance | Tags: , , , , , , ,

Your Love: Trisha“I can’t live without you”
“Promise ikaw lang talaga”
“I’ll always be here for you”
“I love you”

Those are the shitty words he used to say to me at ako naman tong tanga naniwala din. I did believe everything he said, kahit pinagsabihan na ako ng mga kaibigan ko na niloloko niya lang ako, wa pakels ang beauty ko besh, push pa rin ng push. Kaya ang ending, luhaan!

It’s been what? 8 months? Ewan. Ang alam ko lang, nawala na lang siya na parang bola, wala man lang paabiso, walang pasabi, wala kahit ano. At first akala ko he just needed some space, pero teh 8 months na oh, hindi lang yata space ang kailangan niya.

Well hinanap ko naman siya, I ask his friends about his where abouts but no one could really give me a good answer. Some of them said na nag abroad, sabi naman nung iba may kinakasama na raw na ibang babae, may nag sabi din na baka daw nag aadik na. I don’t have any contact sa family niya kasi for 10 months of being together never pa niya akong napapakilala sa mga ito. He said, nasa abroad ang mama niya at ang papa niya naman ay hindi na niya nakilala simula nung bata pa siya.

Yes I know what you’re thinking about na from the start hindi naman talaga siya seryoso sa akin, eh anong magagawa ko? Nadaya ako eh, nagmahal lang ako besh, wag kang ano jan. Anyways, as what I’ve said its been already 8 months since he left and masasabi ko namang nakapag mov...

Biro-Biro

Submitted by on December 5, 2015 (11 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , , ,

Biro-Biro

Alam mo naman ang sabi ng salawikain:
"Biro-biro kung sanglan, totoo kung tamaan,"
Kaya't maaari mo bang sabihin sa akin-
Yung sinabi mo ba'y dapat kong paniwalaan?
O di kaya'y huwag ko na lamang yun pansinin?
Baka sa dulo nito'y ako rin ang masaktan.

Kaya't ang akin lamang mahihiling sa iyo
Maging totoo sa iyong mga sinasabi,
Huwag mo nawang paglaruan ang aking puso,
Sapagkat ito ay bumibigay ng madali-
Mabilis din itong madurog at nagdudugo,
kaya't sana sa 'king daing ay wag maging bingi.

Ayaw kong maniwala sa 'yong pinapakita,
Ngunit sadya nga bang mahilig kang magparamdam?
Sa iyong pagpapahiwatig ako'y aasa;
Ngunit kapag abot kamay na ang inaasam-
Bigla kang mawawala gaya ng alaala,
Na sa aking puso't isipan ay sumasamsam.

Oh layuan mo na lang ako magandang dilag,
Nais ko pang manatili aking katinuan;
Sa mundong ito'y ayaw kong magmistulang kumag,
Kaya't mas pipiliin ko na ika'y layuan.
Ayaw ko na sa iyong pain ako'y mabitag-
At ang mabulok sa isang sulok ng karimlan.

BXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBX

copyright by the author. poem is also posted in a social media site under a different name....

1