Writings about own poem (6)
1 of 1

Kung Langit Man Ay Nakatingin

Submitted by on September 1, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Kelan ka lilisan oh pagsubok sa buhay?
Bakit tuwing hahagurin ko'y nasusugat ang kamay.
Hawiin man ang pagdurusa nakakapangilabot ang kasabay,
Oh saan pa paroroon may langit bang nakatunghay?

Ikaw ba'y nakatitig nag-aalimpuyong langit,
Ang puso ko'y nahahapis dapat ba akong magalit?
Ikaw ma'y ilaw sa daan tanglawan itong kadilimang pusikit,
Ayoko ng masaktan at ayoko naring makapanakit.

Nandiyan ka nga sa itaas kaya't ako'y hirap sa ibaba,
Kung maaari lamang sukatin ang pagitan nitong langit at lupa.
Siguro nga ang kahirapan ay di dapat ikabahala,
Kung langit man ay nakatingin sa diyos ikaw'y magtiwala.

Kung kelan ka ba naman mag-aayos tsaka pa lulubog,
Kakayanin mo kaya kung halimaw ang nambubugbog.
Lalabanan kita hangga't may lakas itong aking tuhod,
Mula pagkabata ko'y sa diyos lamang ako lumuluhod.

Madami man ang nambabato makakayanan mo ito,
Kahit na wala kang masalo sa kanila'y babalik ito.
Patuloy man ang hirap ay ngitian mo nalang,
Baka sila'y mainis sa ganung klaseng paraan.

Maraming tao ang matapang dahil may sinasandalan,
pero tingnan mo kung mag-isa parang langaw sa daan.
At kung ngayo'y nangingibaw ang kasamaan sa sanlibutan,
Dito lang muna ako sa baba kung saan naroon ang kabutihan.

Kung nakatingin ka man parati sangkalangitang malawak,
Huwag mo sanang bibi...

Lupang Pangako

Submitted by on August 21, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Saan nga ba matatagpuan ang ipinangakong lupain,
Doon ba sa isang bayan na ang maralita'y sinisiil.
Mga sinasakang lupain sa mga magsasaka'y sinasamsam,
Nasaan ang karapatan ng mga dukhang nagpapagal.

Nabalot na sa takot puso ng mga kapos palad na mamamayan,
Sa walang tigil na putukan doon sa bundok na minamahal.
Paano ba isasalarawan ang lupain mong kinalakhan,
Kung pulos panaghoy ang sambit ng bayang dinungisan ang dangal.

Mga musmos na kabataan halos di na makapag-aral,
Ang edukasyon ay naging mailap maging itong sariling kaligayahan.
Para sa kanila ang buhay ay isang gulo dito sa mundong ibabaw,
Hindi na nila nalasap ang tamis ng ordinaryong pamumuhay.

Ito ba ang sinasabi nilang lupang pangako?
Mismo kapwa pilipino'y dumadanak ang dugo.
Barilan doon,patayan dito,kelan ba matutuldukan?
Meron pa bang halaga ang usaping pangkapayapaan.

Marami sa atin ay wala ng pakialam,
Doon sa malayong lupaing may naghihirap na mamamayan.
Ang mahalaga sa kanila'y sagana ang kanilang hapag kainan,
Samantalang ang kabataan doo'y gutom ang natitikman ng kanilang kamusmusan....

We Are One

Submitted by on August 19, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: English | Categories: Erotic | Tags: ,

Victory for you and me,

Just because i love you and then you love me;
Like a song of barney:

Ugly things of my past,now i coudln't see it.

Thank you for coming into my life,
That's all i could say.

All the struggles and hardship,
We've face it together.
No matter what happens,
Just call me and i'll be there.

You are the reason that's why i'm here,
I will still love you,
Even there's no forever.

Healing a wounded heart,
Will take a lot of time.
We both know that
Love is not enough sometimes.

But because WE ARE ONE,
I WILL LOVE YOU UNTIL THE END OF TIME.....

Pagbangon

Submitted by on August 18, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Buhat sa kabiguan hinahanap ay pag-asa,
Kung saan ito naroon ay ninanais na makita.
Mapait man ang kapalaran ay tinanggap sa tuwina,
Huwag lang matangay sa agos ng problema.

Aking pagkadapa'y madami ding beses,
Hindi ko na tanda kung ilan ng ulit.
Subalit kailangan bumangon upang mawaglit,
Pinagdaanang kabiguan may kaayusang kapalit.

Lumubog man sa putik at hirap makaahon,
Pipilitin ang sarili na muling makabangon.
Gaano man kasakit ang kabiguan ng kahapon,
Nakaalalay ang diyos sa nais na pag ahon.

Patuloy lang sa paglakad kahit nadadapa,
Kahit sa pagbangon lakad ma'y paika ika.
Diretso lang ang tanaw at wag ng palinga linga,
Harapin ang hamon kahit pa kahiya hiya.

Kung pagkadapa'y hirap kang tumayo't lumakad,
Pilitin mong gumapang sa tulong ng dalawang palad.
Ang mahalaga'y hindi ka umatras
Patuloy lang na manalig sa diyos dun sa itaas....

Kabiguan

Submitted by on August 16, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Ang pait ng aking malasahan,
Hinagpis nitong buhay buhat sa kapabayaan.
Anong hapdi nitong pakiramdam,
Ng sapitin ko itong kabiguan.

Bakit kinailangan magtapos ang pagmamahalan,
Bakit nga nagmamahal para lang masaktan.
Bakit kailangang danasin hirap ng kalooban,
Bakit pa iibig kung palagi namang maiiwan.

Sige na humayo ka aking irog na minamahal,
Hanapin mo sa iba ang tunay na pagmamahal.
Hayaan mo na akong ang puso'y tigib ng pagpapagal,
Baka sakaling madinig rin taimtim kong mga dasal.

Hayun ka at nakasumpong ng mangingibig,
Mabulaklak pa sakin binibigkas ng kanyang bibig.
Bayaan mong sakit ang nadarama ng puso kong pumipintig,
Kabiguang nadarama'y sa ulo ko ipinipilig.

Kung sakali mang muli kang masaktan,
Sa bago mong pag ibig na nasilayan.
Isipin mo lang akong dati mong iniwanan,
Tunay kong pagmamahal ay handa ka paring pag alayan....

Pagnanais

Submitted by on August 6, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Mahirap i-eksplika sandaling may mahika,
ano't may sumiway sa natatalos tingin mo na.
Alinsunod sa agapay tumungo sa panghalina,
malabong pinailaw sa dilim ng liwanag tanglaw mo na.

Sa sipit ay may tapyas ng kaunting pasibol,
ang lakad ay marahan sa mabilis ay pahabol.
Sa gitnang mumunting kinokumponeng marilag,tumutunghay sa madulas ng banayad sa paglakad.

Sinuggaban ba't aayaw ng biglaang lumitaw,
nangakalag lahat mga tanikala't mga pangaw.
Inihandang pabigla ay nangyaring banayad,
sa mahinang palakas may nakaagapay na palad.

Ang gulat man ay nasubok dinampian ng pahinuhod,
alinlangang pumapasok sa pagsubok alinsunod.
sa lawak ng dilim waring mata ay nabulag,
ang piring ay namulat ng di alintanang liwanag.

Kalmadong sumandal sa isipang balik tanaw,
sa kinabukasan nakaharap at pag-asa ay natanaw....

1