Writings about on the spot poem writing. (3)
1 of 1

Lupang Pangako

Submitted by on August 21, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Saan nga ba matatagpuan ang ipinangakong lupain,
Doon ba sa isang bayan na ang maralita'y sinisiil.
Mga sinasakang lupain sa mga magsasaka'y sinasamsam,
Nasaan ang karapatan ng mga dukhang nagpapagal.

Nabalot na sa takot puso ng mga kapos palad na mamamayan,
Sa walang tigil na putukan doon sa bundok na minamahal.
Paano ba isasalarawan ang lupain mong kinalakhan,
Kung pulos panaghoy ang sambit ng bayang dinungisan ang dangal.

Mga musmos na kabataan halos di na makapag-aral,
Ang edukasyon ay naging mailap maging itong sariling kaligayahan.
Para sa kanila ang buhay ay isang gulo dito sa mundong ibabaw,
Hindi na nila nalasap ang tamis ng ordinaryong pamumuhay.

Ito ba ang sinasabi nilang lupang pangako?
Mismo kapwa pilipino'y dumadanak ang dugo.
Barilan doon,patayan dito,kelan ba matutuldukan?
Meron pa bang halaga ang usaping pangkapayapaan.

Marami sa atin ay wala ng pakialam,
Doon sa malayong lupaing may naghihirap na mamamayan.
Ang mahalaga sa kanila'y sagana ang kanilang hapag kainan,
Samantalang ang kabataan doo'y gutom ang natitikman ng kanilang kamusmusan....

We Are One

Submitted by on August 19, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: English | Categories: Erotic | Tags: ,

Victory for you and me,

Just because i love you and then you love me;
Like a song of barney:

Ugly things of my past,now i coudln't see it.

Thank you for coming into my life,
That's all i could say.

All the struggles and hardship,
We've face it together.
No matter what happens,
Just call me and i'll be there.

You are the reason that's why i'm here,
I will still love you,
Even there's no forever.

Healing a wounded heart,
Will take a lot of time.
We both know that
Love is not enough sometimes.

But because WE ARE ONE,
I WILL LOVE YOU UNTIL THE END OF TIME.....

Pagbangon

Submitted by on August 18, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Buhat sa kabiguan hinahanap ay pag-asa,
Kung saan ito naroon ay ninanais na makita.
Mapait man ang kapalaran ay tinanggap sa tuwina,
Huwag lang matangay sa agos ng problema.

Aking pagkadapa'y madami ding beses,
Hindi ko na tanda kung ilan ng ulit.
Subalit kailangan bumangon upang mawaglit,
Pinagdaanang kabiguan may kaayusang kapalit.

Lumubog man sa putik at hirap makaahon,
Pipilitin ang sarili na muling makabangon.
Gaano man kasakit ang kabiguan ng kahapon,
Nakaalalay ang diyos sa nais na pag ahon.

Patuloy lang sa paglakad kahit nadadapa,
Kahit sa pagbangon lakad ma'y paika ika.
Diretso lang ang tanaw at wag ng palinga linga,
Harapin ang hamon kahit pa kahiya hiya.

Kung pagkadapa'y hirap kang tumayo't lumakad,
Pilitin mong gumapang sa tulong ng dalawang palad.
Ang mahalaga'y hindi ka umatras
Patuloy lang na manalig sa diyos dun sa itaas....

1