Writings about on the spot gawang tula. (1)
1 of 1

Kung Langit Man Ay Nakatingin

Submitted by on September 1, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Kelan ka lilisan oh pagsubok sa buhay?
Bakit tuwing hahagurin ko'y nasusugat ang kamay.
Hawiin man ang pagdurusa nakakapangilabot ang kasabay,
Oh saan pa paroroon may langit bang nakatunghay?

Ikaw ba'y nakatitig nag-aalimpuyong langit,
Ang puso ko'y nahahapis dapat ba akong magalit?
Ikaw ma'y ilaw sa daan tanglawan itong kadilimang pusikit,
Ayoko ng masaktan at ayoko naring makapanakit.

Nandiyan ka nga sa itaas kaya't ako'y hirap sa ibaba,
Kung maaari lamang sukatin ang pagitan nitong langit at lupa.
Siguro nga ang kahirapan ay di dapat ikabahala,
Kung langit man ay nakatingin sa diyos ikaw'y magtiwala.

Kung kelan ka ba naman mag-aayos tsaka pa lulubog,
Kakayanin mo kaya kung halimaw ang nambubugbog.
Lalabanan kita hangga't may lakas itong aking tuhod,
Mula pagkabata ko'y sa diyos lamang ako lumuluhod.

Madami man ang nambabato makakayanan mo ito,
Kahit na wala kang masalo sa kanila'y babalik ito.
Patuloy man ang hirap ay ngitian mo nalang,
Baka sila'y mainis sa ganung klaseng paraan.

Maraming tao ang matapang dahil may sinasandalan,
pero tingnan mo kung mag-isa parang langaw sa daan.
At kung ngayo'y nangingibaw ang kasamaan sa sanlibutan,
Dito lang muna ako sa baba kung saan naroon ang kabutihan.

Kung nakatingin ka man parati sangkalangitang malawak,
Huwag mo sanang bibi...

1