Writings about Olderguy (1)
1 of 1

Summer Vacation I [Re]

Submitted by on May 1, 2018 (21 days ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Fetish, First Time, Romance | Tags: , ,

Summer Vacation I [Re]-VINCENT

Ding-dong!

Ding-dong! 

Nagising ako sa malakas na tunog ng doorbell, masakit pa ang aking ulo dahil sa mga alak na ininom namin kagabi sa bar. Sa aking gilid agad kong nasilayan ang isang makurbang katawan, halos wala na itong saplot na inilalabas ang makinis niyang balat. "Alas siete..." Usal ko nang mapansin ang numero sa orasan. Sino kayang walang hiyang iyon na pumutol sa aking pagtulog?

Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto, tinutungo ang hagdanan pababa habang sinusuot ang isang pulang t-shirt. Pagbukas pa lamang ng harapang pinto natanaw ko na ang ngiti ng kaibigan kong si Ron na nakasilip sa gate.

"Pre bakasyon!" sigaw nito habang nakaakbay sa kaniyang magandang asawang si Krisha. 

Teka, bakasyon? 

Oonga pala, bakasyon na nila, pareho kasing teacher ang dalawa kaya oras na dumating ang March, madalas lumilipad sila palabas ng bansa. "Gagi! Di' ba sa lunes pa? May gig ako kagabi shit!" Usal ko dalawa habang kakamot-kamot na papalapit sa gate. 

"Wala eh, nakita namin mura yung ticket kaya kinuha na namin. Iwan namin uli sa iyo si Yana. Ikaw lang naman gusto nung bata na kasama pag-bakasyon."

Agad akong ngumuso kay Ron, 'yung nguso at tingin na kami lamang ang nakakaintindihan. Ito 'yung mga sing language ng mga lalaki pag may kalokohan, at mga lalaki lang din ang nakakaintindihan. 

"Shit!" Malakas na wika niya na ikinakunot naman ng kilay ni Kris...

1