Writings about negro (1)
1 of 1

Maitim na Pantasya

Submitted by on October 17, 2016 (1 month ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: First Time, Wife Lovers, Mature, Romance, Sci-Fi and Fantasy, Toys and Masturbation | Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Maitim na PantasyaAlas-otso kinse nang umaga, napabuntong hininga na lamang si Estela nang muli na naman niyang nakitang naiwang nakabukas ang personal computer ng kanyang mister. Agad kasing bumalik ang liwanag ng LED monitor nito nang matabig ng kanyang malambot na kamay ang mouse nito habang nagwawalis siya ng sahig ng kanilang kwarto.

“Susmaryosep!”, gulat na tugon ng petite na ginang.

Halos namilog ang mukha nito dahil isang porn video pala ang naka-live stream sa nakabukas na browser. Napakabig pa siya sa kanyang dibdib kaya naman bahagyang umalog ang mga ito.

Hindi ito ang una o ikalawang pagkakataon na naiwan ng kanyang asawa ang ganoong palabas sa computer bago ito pumasok ng opisina. Nagtataka tuloy siya kung bakit ganoon na lamang binabalik balikan ng kanyang asawa ang palabas na iyon.

“Ano ba naman iyan, si Romeo talaga!”, nang mapaupo na lamang sa gilid ng kanilang kama ang maliit at magandang si Estela.

Isang masigasig na maybahay si Estela na isang 33-anyos na. Sa kabila ng kanyang edad ay hindi mo naman ito mahahalata sa kanya dahil sa maliit lamang siya na ang taas ay halos nasa 5’1” lang at may balingkinitang katawan. Kung titingnan mo siya nang husto ay para lamang siyang nasa 25-anyos na dalagita o minsan pa ay napagakakamalan pa siyang isang kolehiyala. Maigsi lamang ang buhok niya na halos sumusunod sa hugis ng kanyang mukha at may tabas  ito na hanggang leeg at batok lamang niya. Bagamat may kaliitan an...

1