Writings about mythical (1)
1 of 1

The Underworld

Submitted by on December 20, 2016 (10 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Romance | Tags: , ,



Sa  Barangay Mapuke,  bayan ng  Sto. Iyotero,  ay mas marami ang mga babae kesa sa lalake.  Ang dating maliit na  komunidad na ito ay  unti-unting lumalaki dahil sa pagdagsa ng mga taga labas. Bagay na ikinababahala ng mga orihinal na  residente....lalo na ang mga hindi pangkaraniwang nilalang na matagal ng naninirahan dito. Nabulabog sila ng husto.. Lumiliit ang kanilang mundo..ang tinatawag na Underworld.

Napakalawak na sakop ng Sto. Iyotero,  napakaganda ng lugar, tahimik,  sariwa ang hangin , luntian ang paligid`ang mga  bukirin,  matayog ang bundok,  masukal ang kagubatan,  malinis ang  lawa na  tigib sa isda, hipon at iba pa. Sapat na para masustena ang mga pang araw-araw na pangangailangan ng mga taga- roon.

Pinakamalayo at ilang ang lugar ng Bgy. Mapuke.  Yun ay bago pa dumagsa ang mga taga  labas at nagdulot ng ligalig. Lalo na ilang buwan matapos ang barangay eleksyon.

Ito ang dahilan kaya isang madaling araw ay nagaganap ang  pagpupulong sa loob ng kweba ni  Ka Hermie, ang  pinakamatanda at pinakamatalinong ermitanyo sa underworld.

“Kailangan nating kumilos, magisip ng paraan para sa ating kaligtasan, lalo na ang ating  mga kababaihan.” Paunang salita ni Ka Hermie

“Nanganganib na maubos ang ating lahi  dahil sa programa ng bagong  halal na barangay chairman. Alam nating lahat kung gaano katindi ang galit  ni Chairman sa mga ADIK sa atin.” Dugtong pa ng matanda.
...

1