Writings about mystery (22)
1 of 3

Pomagat 2: Pasilyo Uno

Submitted by on November 2, 2016 (1 month ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Romance | Tags: , , ,

Pomagat 2: Pasilyo Uno"A young, resplendent nurse fall in love with her patient suffering from fugue amnesia. Their love grows deep until she ascertained that the man she dotes obnubilate a dark past.."

Ang istoryang ito ay halaw sa malikot na pag-iisip ni pulandit. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ng mga pangalan, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya at nagkaton lamang. Ang maglathala nito ng walang pahintulot mula sa may akda ay mahigpit na hindi pinahihintulutan. Ang Pomagat at Pomagat 2: Pasilyo Uno ay orihinal na istorya ng pulanditstories.

Unti unting niyang iminulat ang kanyang mga mata at bahagya siyang nasilaw sa liwanag. Muli niya itong ipinikit at bahagyang iminulat hanggang sa masanay sa liwanag na hindi niya mawari kung saan nagmumula. Halos puro anino lamang ang kanyang nakikita, mga taong nakatayo sa gilid ng kanyang hinihigaang kama.

Asan ba siya?

Anong nangyari sa kanya?

Mga tanong sa isip niya habang sinasanay ang mata sa liwanag.

Sa pag balik ng kanyang malinaw na paningin ay nakita niya ang pinagmumulan ng liwanag. Mula sa mahabang flourescent light na nasa puting kisame. Iginala ang kanyang mata at namasdan ng maliwanag ang mga nakapaikot sa kanyang tatlong tao. Nakaputi lahat ang kanilang damit. Isang lalaki at dalawang babae.

"Kamusta ang pakiramdam mo Vincent?"sabi ng lalaking nakaputi.

Vincent?

Sino ang taong iyon.

Dito ay napaisip siya at hindi maalala ang...

The Promise Bracelet

Submitted by on October 28, 2016 (1 month ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Taboo, Mature, Reluctance, Romance | Tags: , , , , , , , ,

Hello, readers!

Kumusta kayong lahat?

Dahil sa wala akong magawa ay naisipan kong gumawa ng isang istoryang magpapagana sa ating imahinasyon. Ang kwentong ito ay pinaghalong love story at mystery. Syempre SEX. Pero wala muna masyado sa parteng ito. Haha!

Isang paalala: Ang kwentong ito ay tumatalakay sa maseselang tema na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Nawa ay hindi natin piliting basahin kung wala pa tayo sa tamang edad. Ang mga pangalan, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay produkto lamang ng imahinasyon ng inyong manunulat. Ang anumang pagkakapareho sa totoong buhay ay hindi sinasadya.

Sana po ay i-vote niyo ang story kong ito at mag-iwan kayo ng mga komento para sa ikagaganda ng kwento.

Maraming salamat po! Enjoy reading, FSS readers! :-)

----------

Naka-blindfold ang dalagitang si Sharmaine papasok sa mansyon ng mga De Angeles habang inaalalayan ni Nicolai ang kanyang dalawang kamay.

Sharmaine: Saan mo ba ako dadalhin, Nicolai? Sabi mo ay magkikita-kita tayong magkakaibigan ngayon sa bahay nina Princess para sa kaarawan ko. 'Yon ang ipinaalam ko kina Mama at Papa kanina. Baka mag-alala ang mga iyon? At saka ang sakit na ng mga mata ko. Kanina pa ako naka-blindfold, Nico.

Nicolai: Huwag kang mainip, Sharms. Malapit na tayo.

Tuloy-tuloy lang ang pag-alalay ni Nicolai kay Sharmaine hanggang sa tangg...

Pomagat Last Part

Submitted by on September 18, 2016 (2 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Romance | Tags: , ,

Pomagat Last PartKinaumagahan, lumabas siya ng kwarto, dumeretso sa banyo para maghilamos at tumuloy sa kusina para mag almusal. Nadatnan niya si Lanie na binabasa ang kanyang nobela habang nakaupo at nagkakape. Agad niya itong hinablot at pinunit ang ilang pirasong pahina ng libro mula sa hulihan.

"Bakit Ate?" nagtatakang tanong ni Lanie.

"Wag na wag mo babasahin ito at tangkain pang tapusin!" galit na sabi ni Luz.

"Eh ate nakailang basa na ko dyan eh, natapos ko na yan ng dalawang beses" sagot ng kapatid.

"Ha!?, ano nararamdaman mo pagkatapos basahin ito" galit niyang tanong.

"Wala naman, ano bang meron diyan? Maganda kasi ang istorya kaya paulit ulit kong binabasa " wika ng kapatid.

Hindi na siya sumagot at itinapon ang libro sa basurahan. Agad na pumunta sa sala at umupo sa sofa, ipinatong ang dalang cellphone sa lamesang salamin. Dito ay napaisip siya na bakit hindi lahat ng nakakatapos ng libro niya ay namamatay? Ano ang misteryo sa libro, nagbalik tanaw siya sa mga kwento ng kanyang ninong. Pilit inalala ang mga banta at talinghaga ni Eman.
"Babalik at maghihiganti pagsapit ng anak niya ng dalawampung taong gulang" malinaw na ito sa kanya na si Lanie ito at nuong oras na iyon ay bumalik nga ito at pinatay ang kanyang ama.

Ang pangalawa "Gagawa ng kwento na ikamamatay ng marami." ito ang hindi niya maunawaan.

Kung ginamit man siya ni Eman para maisakatuparan iyon, bakit pili lang ang mga namamat...

Pomagat Part 6

Submitted by on September 18, 2016 (2 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 6Gulong gulo ang isip niya at hindi mapagtugma tugma ang mga kwento. Itinalikod niya ang litrato at may mga pangalang nakasulat, Ernie Rosario Mercado(kanan) ito ang kanyang ninong at boss, Roberto Manahan Cebu (kaliwa) ito ang kanyang tatay,

Immanuel Lucido Ferio (gitna) ang tatay ni Eid, kumpirmado na siya dahil Ferio ang apelyido ni Eid. Magkakaibigan pala ang tatay niya, tatay ni Eid at ninong niya. Ngayon lang niya ito nalaman, ang alam niya ay ninong lang niya ang matalik na kaibigan ng kanyang ama.

Sumandal siya sa sofa, pumikit, nagisip at binalikan ang mga sinabi sa kanya ng matandang manghuhula. Bakit kaya niya pinapatigil ang pagbebenta ng libro?

Umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ni Mang Carding, "paborito kayong writer ng anak ko" , "agad siyang bumili ng bago ninyong nobela at hindi ito tinigilan hangga't hindi natatapos."

Anong hiwaga kaya meron sa nobela niya? May kaugnayan kaya ang lalaking duguan dito? Mga tanong niya sa sarili.

Ala-una na ng hapon ng maisipan niyang pumunta sa publishing para kausapin si Mr. Mercado. Ipapaliwanag niya dito ang kanyang mga karanasan para makumbinsing ipatigil ang pagbebenta ng aklat kahit wala pa siyang konkretong dahilan.

Pagdating sa opisina, agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang boss. Naabutan niya itong nagbabasa ng kanyang nobela.

"Luz! anong sadya mo? Kung ipapatigil mo ang pagbebenta nito" habang kinakampay kampay ang hawak niyang lib...

Pomagat Part 5

Submitted by on September 16, 2016 (2 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, First Time, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 5"TAGAMOP" nanghilakbot siya, parang may malamig na bumalot sa buo niyang katawan. Bakit bumaligtad ang pagbasa ng kanyang titulo na dapat ay "Pomagat" na nakalimutan niya na i-edit. Dali dali niyang binuksan ang pahina at binasa ang prologue hinahanap niya ang kanyang main character na si Fredie.

"Ako si Eiderf isa akong janitor sa malaking hotel sa makati dahil sa........" hindi na niya tinapos ang binabasa dahil sa kilabot, Pomagat ay naging Tagamop, Fredie ay naging Eiderf. Eiderf nga pala ang tunay na pangalan ni Eid kaya pala nito nasabi na siya ang main character.

Mabilis niyang binuksan ang laptop at hinanap ang kanyang orihinal na manuscript. Pagbukas ng application na kanyang ginagamit ay lalo siyang naghilakbot. "TAGAMOP" ang bumungad na titulo, pati ang bidang si Fredie ay naging Eiderf kahit sa lahat ng pahina. Halos mahimatay siya sa mga nangyayari, akala niya ay tapos na ang kababalaghan sa kanya ngunit lalo pa itong tumitindi.

Sumapit ang Ala sais at nagpasya na siyang umuwi. Inaantay niya si Mang Carding, ilang araw na din di niya ito nasasakyan. Pumunta siya sa mga nakaparadang taxi at nagtanong sa mga driver.

"Manong, bakit hindi ho namamasada si Mang Carding?" tanong niya sa isang driver na naninigarilyo sa may tindahan.

"Ay ma'am, patay ho ang kanyang anak na babae, nagluluksa po. D'yan lang po ang bahay nila sa gilid ng bangketa may iskinita ho dyan at un bahay ho na may lamay un ang bahay ni Mang Car...

Pomagat Part 4

Submitted by on September 8, 2016 (3 months ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 4Ilang araw at linggo na din ang lumipas ng ibigay sa kanya ni Utoy ang tatsulok na bagay. Hindi na nga siya dinadalaw ng lalaking duguan, mukhang may bisa nga ito.

Dahil sa nawala ang dagdag na gumugulo sa kanya para makapag isip ay halos matatapos na din siya sa kwentong kanyang sinusulat. Ipapasa na lang niya ito sa kanyang editor para maaprubahan kung ipupublish sa publiko o hindi. Pagdating niya sa opisina, sinalubong agad siya ni Eid. Matamis ang ngiti nito at agad siyang binati.

"Kamusta Babes!? Gumaganda ka lalo ah." bola nito. Nginitian lang siya ni Luz. "Punta ka naman maya sa bahay paguwian natin?" yaya nito

"Eid, kasi..." di pa siya natatapos magsalita ay pinutol na ito ng binata.

"Wala ng kasi kasi babes, basta mamaya aantayin kita, magrelax ka na man paminsan minsan, Linggo naman bukas eh." pangungunsensya ng binata.

'Tama nga ito, kailangan ko din magrelax relax.' nasa isip ng dalaga.

"Sige mamaya" pagpayag ni Luz, malapit lang naman ang bahay nito at dito lang din sa Parañaque. Wala na din naman siyang gagawin masyado dahil halos tapos na din ang kanyang nobela, konting editing na lang at ipapasa na niya ito sa lunes.
Mabilis tumakbo ang oras at namalayan na lang niya na nasa bahay na sila ng binata.

"Magandang gabi po Nay?" bati ni Luz sa nanay ni Eid.

"Magandang gabi din iha, maupo muna kayo dyan sa sala at maghahanda lang ako ng hapunan natin." wika ng nanay ni Eid....

Pomagat Part 3

Submitted by on September 6, 2016 (3 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 3Nagmula sa kanyang gilid. Si Eid pala, halos mahataw niya ng laptop ang binata dahil sa sobrang gulat.

"Hi! Babes!" bati nito.

"Para sayo." sabay abot ng bulaklak at puting tsokolateng tobleron.

"Kanina ka pa dyan?" matamlay na usisa ni Luz imbes na magalak sa pagiging malambing ng binata.

"Hindi naman, kararating ko lang, parang ayaw mo ata sa regalo ko?" sagot ng binata sa kanya.

"Ay hindi naman, thanks ha." sabay kuha sa bulaklak at tsokolate.

"Sige, balik muna ko sa trabaho tapos na break eh." paalam ni Eid sa kanya.

Tumango na lamang siya na parang nag iisip. Lumakad si Eid palayo at pabalik sa kanyang opisina. Malakas ang kutob niya na hindi si Eid ang una niyang narinig na tumawag sa kanya. Matagal na niyang kilala si Eid at kilalang kilala niya ang boses nito. Alam niya din na boses na ng binata ang pangalawang tinig na narinig niya. Malaki ang kaibahan ng unang tinig na narinig niya kaysa pangalawa.

Gulong gulo pa din ang isip niya at lalo na siyang hindi nakasulat. Lumipas ang oras, alas-tres y media na at wala siya kahit buod o balangkas man lang ng kwento. Pumunta siya sa restroom ng second floor at sa pinakadulong cubicle pumasok. Ibinababa ang takip ng inodoro at saka umupo. Ipinatong ang dalawang siko sa hita at saka itinakip ang kanyang dalawang kamay sa mukha.

Dito'y nagbaka sakali siyang makaisip ng ideya. Tahimik na tahimik sa banyo at kahit hininga niya ay na...

Pomagat Part 2

Submitted by on September 5, 2016 (3 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 2Siya si Luz o Luzviminda Cebu na buong pangalan, dalawampu't walong taong gulang at nananatiling dalaga. Ayaw niya sa buo niyang pangalan dahil sa Cebu na nga ang kanyang apelyido pagkatapos ay Luzviminda pa ang kanyang unang pangalan na acronym ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Tampulan ng tukso ang kanyang pangalan nung siya ay bata at maging hanggang sa ngayon. Masasabi niya na naging dahilan ang kanyang pangalan para ma bully siya.

Isa siyang manunulat sa isang maliit na publishing company sa Parañaque. Naglalathala ito ng mga entertainment magazine, pocketbook, graphic novel at maging tabloid. Dahil sa tampulan ng tukso ang pangalan niya ay gumamit nalang siya ng pen name na TagaCebu kahit hindi siya bisaya at laki sa silangang katagalugan.

Marami na rin siyang kathang kwento at mabenta ang mga iyon kaya ganun na lamang ang galit ni Mr. Mercado ng hindi siya makasulat ng magandang istorya. Marahil ay nagkukulang na siya sa mga imahinasyon at inspirasyon kaya walang pumapasok na magandang istorya sa kanyang isipan. Patuloy pa rin siya sa pag iisip habang patuloy rin siya sa paglakad sa kahabaan pasilyo ng second floor. Pagpanaog niya sa hagdanan papuntang first floor ay nakasalubong niya si Eid sa kahabaan ng hallway ng ground floor.

Si Eid, binata, trenta anyos at ang head ng utility ng building na kanyang pinagtatrabahuhan. Masugid niya itong manliligaw at masasabi niya na may unawaan sila ngunit hindi pa niya ito pormal na sinasagot. Mas...

Pomagat Part 1

Submitted by on September 5, 2016 (3 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 1"Luzviminda Cebu!!" malakas na tinig ng kanyang terror na boss.

"Wala ka na ba talagang magandang kwento na maisusulat ha!? Paulit-ulit na lang tong kwento mo eh, walang sense, walang twist at higit sa lahat walang kwenta ang mga nobela mo!!" sermon ng boss ni Luz sa kanya.

Sabay tayo nito sa office chair habang hinataw ang pinasa niyang folder sa lamesa sabay iling na para bang nanghihinayang. Laman ng folder ang isinulat niyang nobela. Muling naupo ang kanyang boss at sumandal sabay patong ng kanang siko sa arm rest ng upuan habang hinawakan ang kanang parte ng mukha habang umiiling iling pa rin. Nakatulala pa rin si Luz at ninanamnam ang bulyaw at sermon ng kanyang boss, mga ilang segundo rin bago siya nakatugon.

"Hayaan niyo po sir bigyan niyo lang ako ng isang buwan at makakagawa na ako ng magandang nobela para sa kumpanya." sagot ni Luz ng mahinahon sa boss niya kahit nagaalimpuyo siya sa asar, inis at galit ang kanyang puso na gustong sampalin, kutusan at sabunutan itong boss niya kahit ito'y napapanot na sa kunsumisyon sa kanya.

"Kung hindi mo na kaya gumawa ng magandang istorya, sabihin mo lang at papalitan na kita, sayang ang ibinabayad sayo ng publishing kung puro walang kwenta ang mga nobela mo, malulugi ang kumpanya ko niyan." tugon pa ng malupit niyang boss na para bang sinasapian ng demonyo sa talas ng

dila nito na halos madurog na siya sa kahihiyan. Kahit pa sa kabila ng walang nakakarinig sa sermon nito d...

The Devil (chap2)

Submitted by on February 20, 2016 (9 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: BDSM, Mature | Tags: , ,

Chapter 2

Pagbaba ng tricycle ay agad na nagkumaripas ng lakad si Ryan papuntang Munisipyo. Kapag ganitong lunes ay may flag ceremony sila. Pero gaya ng mga naunag lunes ng buhay nya, napakabihirang umabot sya ng maaga. Gaya ngayon, nakita na nyang nakataas na ang watawat na nangangahulugang tapos ng umawit ng Lupang Hinirang. Ang pag-asa na lang nya ay maabutan pa ang attendance sheet bago paman to makuha ng taga-HR. Pagkalog-in nya sa biometric ay agad na syang tumungo sa park para makapagattendance man lang.

Sa nagdaang sabado at linggo ay hindi pa din nagpaparamdam si Krizzy. Hindi nya alam kung dapat na ba syang magalala sa nangyayari o huwag muna. Bagamat hindi ganun kalalim ang relasyon nila, or rather, hindi nya to gaanong mahal talaga. Ang kanilang relasyon, para sa kanya, ay hanggang sa loob lang ng eskwelahan nila. Dahil sa labas ng eskwela ay may kanya kanya silang buhay.

Gaya ng nakagawian na, hindi sya umabot sa attendance kanina. Kaya imbis na magbilad pa sa pila ay minabuti na lang nyang umakyat na lamang sa office nila para magpalamig.

May ilang mga kaopisina syang hindi din pumila. Pag ganitong lunes kasi ay toxic sa office nila. Umupo na sya sa pwesto nya at binuksan na ang system unit (sabi sa school, hindi daw CPU ang tawag dito) at hinintay na magboot.

“Oh Ryan, ang aga mo naman ata,” nadinig nyang may babaing nagsabi. Kilala nya ang boses na yun kaya kahit hndi na sya lumingon ay alam na nya kun...

« Prev123Next »