Writings about missing (1)
1 of 1

Layo (LDR)

Submitted by on August 13, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , , ,

Nakatanaw sa dulo ng lupain,
Minamasdan buwan at mga bituin.
Iniisip kung anong dapat gawin?
Pangungulila'y wag ng mapasa'tin.

Ibig ko sanang lagi kang kapiling,
Upang pagtulog ko'y maging mahimbing,
At kayakap ka sa aking paggising.
Ngunit ito man ay di minagaling.

Hanggang kelan ba ako magtitiis?
Daing ng pusong nangaghihinagpis.
Bakit hinayaan ka pang umalis?
Kailanman ay hindi ko yun ninais.

Ilang milya man ang ating pagitan,
Ibig ko nga na iyong maalaman-
Na ang puso ko'y sa'yo nakalaan,
Hihintayin ka, aking kasintahan....

1