Writings about metal (1)
1 of 1

CODE-NAME: NOVA!

Submitted by on October 3, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Sci-Fi and Fantasy | Tags:



"Noel Rapoles" tawag sa akin nung receptionist kaya tumayo ako at pumunta sa kanya "sumunod po kayo sa akin" sabi niya kaya sumunod ako sa kanya sa loob at pinatuloy ako sa maliit na kwarto. "Pumatong po kayo para kunin ko ang timbang niyo" sabi niya sa akin kaya pumatong ako at kinuha niya ang timbang ko "maupo po kayo manong" sabi niya kaya umupo ako at kinuha niya ang blood pressure ko.

Pagkatapos niyang kunin ang blood pressure ko "papasok na po ang doktor mamaya, dito lang po kayo" sabi niya at bago pa man ako makapagsalita bigla siyang lumabas at sinara ang pinto. Iniwan lang akong nakaupo sa loob at habang naghihintay tumayo ako at inayos ko ang salamin ko para basahin ang poster na nakadikit sa pader. "Cancer Cells" basa ko at napalingon ako sa pinto nung bumukas ito "ah Mr. Rapoles" sabi ng doktor ako.

"Magandang umaga dok" bati ko sa kanya na tumingin siya sa akin at pinaupo niya ako "ano ba ang magandang balita dok?" tanong ko sa kanya sabay ngiti ko. Pansin kong parang hindi maganda ang dala niya dahil hindi siya ngumiti at nagbuntong-hininga siya at sabing "hindi maganda manong" at sa sinabi niyang yun napayuko nalang ako at napatingin sa poster na binasa ko.

Lumabas ako ng clinic na mabigat ang balikat at parang pasan ko ang mundo, sumakay ako ng bus pauwi at naglakad ng halos kalahating oras pauwi sa kubong tinitirhan ko. Napau...

1