Writings about mature love..forbidden love...friendship (3)
1 of 1

Kaibigan o Kahibangan (The Last Part)

Submitted by on July 6, 2014 (2 years ago)
Posted in Confession: True Story, Tagalog | Categories: Reluctance, Romance | Tags: ,

Kaibigan o Kahibangan (The Last Part)Masakit pagdaanan ang ganitong ordeal. Ang akala mong langit walang kinahantungan kundi kalungkutan.

Pakiramdam ko nun, ang lalaking aking binigyan ng panahon ay walang bayag. bahag ang buntot.....di nga ba lahat ng lalaki ganyan?

O sadyang tanga lang talaga ako.........

Lumipas ang araw at nakasanayan ko na ang mag-isa, naligtas nga ako sa kahihiyan pero dala ko ang sugat at pilat ng kahapon.

At ngayon nandito ako sa lugar kung saan kami unang nagkita.

Bumalik sa aking alala nang muli akong tumapak sa waiting shed na ito. Parang kelan lang, lagpas dalawang taon na pala. Binaybay ko ang kabilang kalsada para maghintay ng bus, muli sinipat ko ang lugar kung saan kami nagsimula, kung dati noon balewala lang yun, ngayon parang napakahalaga sakin. Ngayon ito ay bitak bitak na. Buo kaya ito nung una kaming nagkita?

Naalala ko tuloy kung paano siya magalit ng sinabi ko sa kanya, ‘ BUNTIS AKO’. Naisip ko tama siya sana nag-ingat ako.

Hindi siya nakarinig ng kahit ano sa akin. Siguro nun kapag nagseselos ako nakapagsasalita ako ng hinanakit, kapag nangungulit ako, pero kahit paano ni hindi ko kinuwestyon ang pagkatao at pagkalalaki niya.

Kaibigan ko pa rin siya.........isang buwang pagkatapos ng nangyari sa akin kinumusta niya ako. Nag-usap kami.......ang sabi niya ayaw niyang mawala ako ngunit mas gugustuhin niyang maging magkaibigan kami.....bestfriends.......

Tinanggap ko yun.....

Kaibigan o Kahibangan Part II

Submitted by on July 5, 2014 (2 years ago)
Posted in Confession: True Story, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Mature, Reluctance, Romance | Tags: ,

Kaibigan o Kahibangan Part IIMeron siyang kinakaharap na kaso.......Homicide....

Ayun sa balita, pinatay niya ang isang opisyal ng pulisya dahil sa nahuli niya ito na kasama ang kanyang asawa sa loob ng kwarto.

Ewan ko ba ngunit ni hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya.

Madalas kami magtext magmula nun. Pero madalas naming pag-usapan ay mga anak niya, nagtatanong siya ng mga bagay tungkol sa dapat gawin sa mga anak at pinapaalalahanan ko naman siya, kasi alam ko ang sitwasyon na nararamdaman ng anak niya…Eh galing din ako sa broken family at namulat ako sa sitwasyong hiniling ko na sana ay kumpleto ang pamilya, pero natanggap ko lahat kasi dapat. At naging malapit na magkaibigan kami.

Nakatatawa nga minsan, ako pa ang tinatanong kung ano raw ba ang masarap lutuin na ulam para sa mga anak niya. O ‘di kaya, ano ang pinakasimpleng lutuin na ulam na baon kaya. Memorable sa akin yun noong turuan ko siyang gumawa ng lumpiang shanghai, meat balls at burger pattie; yun lang naman kasi ang madaling gawin na puwedeng pangmatagalan ilagay lang sa ref.

Kapalit nun ang madalas niya naman akong payuhan na magtiis, para sa anak. Pero isa ang napansin ko sa kanya noon. Madaling mag-init ang ulo niya, isang tanong na di niya magustuhan, hindi na ‘yan magtetext or sasagutin ka ng “huwag kang makialam”… pero bumabalik din paglipas ng ilang araw at parang walang nangyari, balik na naman kami sa dati. Suspendido pa siya nun sa work niya, nagrereport nga siy...

Kaibigan o Kahibangan Part 1

Submitted by on July 5, 2014 (2 years ago)
Posted in Confession: True Story, Taglish | Categories: Reluctance, Romance | Tags: ,

Kaibigan o Kahibangan   Part 1I wrote this 2010 at pinabasa ko ito sa taong concern,,,kaya lang i left out the erotic portion kasi alam ko maeeskandalo siya,,,,with bits of inspiration i am trying to revise my works and ginusto ko lagyan ng erotic version,,,,,,,this is a story of love and passion




“Let those without sin cast the first stone”

“Oi nagtext ang ex-bf ko yesterday, kung puwede daw bumalik siya sakin since sepa na ako”, text ko sa kanya.

“Eh di balikan mo”, reply niya sakin.

“Ayoko nga, kung gusto ko, matagal na kahit maging kabit pa, single naman yun eh, maganda ang work sa isang multinational company sa Cavite, pero ayaw ko, ikaw ang deciding factor ko eh”, muli kong text sa kanya.

“Wag ka nga umasa sa kin, may kanya-kanya tayong buhay”, sagot niya din sa ‘kin.

“Nangako ako sa ‘yo na di kita iiwan, di ba? Kung maacquit ka, then, saka lang kita iiwan,puwede naman akong magmigrate, pero kung maconvict ka, hindi ako aalis sa tabi mo kahit anong mangyari, paglabas mo, sisikapin kong maganda pa rin ang future mo kung sakaling buhay pa ako” text kong muli sa kanya.

“Wag ka magsakripisyo para sakin, tanggap ko na ang ano mang mangyayari sa akin”, muli niyang sagot.

Marami kaming napag-usapan nang araw na yun. Ngunit bakit ganito ako sa kanya? Sino ba siya? Dapat ko nga ba siyang pag-aksayahan ng panahon?

More than two years ago nang maki...

1