Writings about masochism (2)
1 of 1

Sa Mata ng Magdalena

Submitted by on November 17, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Group Sex, Wife Lovers, Mature | Tags: , , , , , ,

Alas diyes ng gabi. Tatlong oras na akong nakatambay sa isang madilim at abandonadong gusali, mayamaya lalakad papuntang palengke para makitsika sa mga kakilala at uungutan na bigyan ako ng isa o dalawang stick ng yosi.

“Oy pasabit ka?”

Pasabit --- magpapabugaw.

“Hindi na muna, wala pa akong kita eh.”

“O eh hulog ka na muna, darating na si tsip…”

Binigyan ko ng bente pesos na baon at huling pera ko sa gabing iyon.

Alas dose. Wala pa ring kita. Putang ina uuwi na naman ba akong nganga?

Hiyaw at ilaw ng sirena. Tunog ng preno sa tabi ko. Mobile.

“Oh, kumusta diyan? May problema ba?”

“Wala naman po ser. Wala pa kasing kita eh.”

“Sige okey ka na, sabi ni Dita. Basta walang “tolongges” ha, ayoko ng report sa istasyon na may reklamo dito.

“Opo ser…”

Mag-aalas dos na ng madaling araw, wala pa ring kita. Utang muna kay Aling Leting ng kape para mainitan ang sikmura. Tiyempo namang dating din ni Mako.

“Tita! Tsokolate na lang meron dito.”

“Wala pa kong kita eh…”

“Sige ok lang. Bigyan mo ko ng singkwenta mamaya.”...

Closet Stories: Gary (Mapagpaubayang Alipin)

Submitted by on November 4, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Wife Lovers, Mature, Reluctance | Tags: , , , , ,

Musmos pa lang ako ay natuto na akong makipagsapalaran sa buhay. Panganay sa limang magkakapatid, kailangan kong tulungan ang aking labanderang nanay at litratistang (photographer) tatay. Kung anu-anong trabaho ang pinasukan ko --- naging barker, cigarette vendor at newspaper boy ako noong elementarya habang naging kargador, janitor at kubrador ng huweteng naman noong hayskul. Bente anyos ako nang pumanaw ang aking ama isang taon ang nakaraan kaya ako na ang pumalit bilang litratista sa Luneta na dating trabaho ng aking ama dahil nanghinayang ako kung sa ibang tao pa ang kukuha ng pwesto ng aking tatay.

Balak kong maging isang seaman balang araw. Pero dahil ako na ang tumatayong padre de pamilya sa aking mga kapatid ay tila malabo nang mangyari ito kaya tanggap ko na ang kapalaran ko sa buhay.

Linggo. Marami ang pamilya at mga turistang namamasyal sa Luneta kaya umaasa akong marami ang magpapalitrato kaya maaga akong umalis ng bahay para makarami ng kliyente.

Pero tulad ng dati, inabot na ako ng tanghalian sa Luneta ay wala pang kliyente ang nagpapakuha ng litrato. Karamihan kasi sa mga namamasyal ay may sarili nang mga camera. Alas dos na ng hapon ay hindi pa rin ako kumakain ng tanghalian. Kape lang ang inalmusal kaya ganoon na lang ang pag-atungal ng sikmura ko nang mga oras na iyon.

Nagdesisyon ako na maghintay pa nang isang oras at baka sakaling magkaroon man lang ng pambili ng bigas pag-uwi pero sa kamalasan, lumipas na an...

1