Writings about luha (2)
1 of 1

Dikta ng Pagluha - Trahedya

Submitted by on August 31, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Ang sugnay ng mga talatang eto ay hango sa baul... 

Kahit anong pilit, kayanin ang problema
Sa bawat pag iisa, kinakain ang kaluluwa
Buhay ay mahahapis, saya ay ninipis
Katumbas kalungkutan, pagkaduhagi't pagtitiis

Pag asa'y wala, kaluluwang pata
Kahit piliting bumangon, indi na magawa
Tanging pag asa, hihilahin ka pababa

Ako ba'y titindig pa, o bibigay na lang
At sa pagkakadapa'y di na maninimbang
Bagkus hahayaang buhay ay maparam
Nang mga kadahilanang naglipana sa lipunan

Kaydakila ng mundo, marupok lang ang tao
Kahit anong gawin, pagpa palakas kulang pa rin
Kayang kayang igupo munti mang panimdim
Mata'y pipikit, hininga'y mawawaglit

Darating ang takipsilim sa buhay ninuman
Ang liwanag ay lalamunin, kadilimang may panimdim
Mata'y matitigmak, luha ay babagsak
Buhay ay kikitilin, sa hukay malilibing...

Patak

Submitted by on August 12, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , ,

Sa pagpatak ng ulan sa aking mukha,
Kasabay pinapawi ang mga luha,
Galing sa king malungkot na mga mata.

Ngunit hindi ko to maikakaila-
Na ang kalumbayang iyong dinala,
Di mapapawi tulad ng aking luha.

Pagka't ang sakit na 'yong dinulot,sinta,
Ay nag-iwan ng sugat na naging mantsa,
Na hindi ko ibig na may makakita.

At ngayon nga na ang ulan ay tumila,
Nagtuloy na sa pagpatak mga luha,
Hanggang kaylan pa kaya ito huhupa?...

1