Writings about love making (1)
1 of 1

Heaven or Hell Episode 2 (Act III)

Submitted by on February 29, 2016 (9 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags: , ,

Act III: Healing the Wounded Past

Maaga pa lang ay nagkita na sina mang Armando at si Inspector Babaylan.  Pakay nila ang pinagtatrabahuan ni mang Armando.  Kasama ang tatlong pulis na escort,  binaybay nila ang kalsada. Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang bahay.  Nasa loob ito ng isang subdivision. Kulay orange at red ang pintura ng gate at ng mga pader.  Makikita mo sa labas ang 2 storey na bahay.  Malaki ito at magarbo.  Unang lumabas sa police car si Mang Armando at kinausap ang naka bantay na guard dahil sya na ang magrerelyebo dito.  Agad namang pinapasok ang sasakyan nina Karen. Pagkapasok nila ay nakita na kaagad ni Karen ang isang babae na nag aabang sa labas ng isang malaking pinto. Lumabas si Karen at binati ang babae. 

“Good morning po mam,  ako po si Inspector Babaylan.” Pagbati ni Karen sa babae. 

“Ah good morning naman iha.  Ako si Amelia, maybahay dito.  Anong maipaglilingkod ko sa inyo? “ nagkamayan silang dalawa.  Maganda at mature ang mukha ni Amelia.  38 years old ito at pangalawang asawa ni Mr Zhao Xin isang intsik na negosyante.  Madalas itong wala sa bahay kaya si Amelia na lamang ang palaging maaabutan sa loob. 

Pinalapit ni Karen si mang Armando at pinaliwanag nila ang buong pangyayari.  Nalungkot si Amelia sa pagkawala ng anak ni mang Armando.  Pinapasok sila sa bahay at mabilis na nagtawag si Amelia ng katulong par...

1