Writings about lost souls (1)
1 of 1

Kabilang Mundo 3

Submitted by on September 3, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Sais.Sais.Sais)

Bigla nalang nayanig ang lupa na parang may lindol, Ngunit ang mga tao sa paligid ay tuloy lang sa kani-kaniyang ginagawa.
Wala silang kamalay-malay sa nangyayari sa kabilang mundo, tulad nitong nasasaksihan ko, hindi ko alam kung malas ba talaga ako o maituturing maswerte dahil sa mga nasasaksihan ko.

Naalala ko ang kaluluwa ng lalaki, nakuha na ang espiritu niya, ngayon tanging kaluluwa nalang niya ang natira.

Muli akong sumilip para makita pa ang mangyayari.
Ang kaluluwa niya'y nakalutang dalawang metro mula sa lupa, gano'n siya kataas! tulala at dilat na dilat ang mga mata niya, nakatingin sa kawalan.

Napalibutan ng itim na usok ang buong paligid, napakapit ako sa sanga ng akasya dahil tuloy parin ang nakakahilong pagyanig, parang nabiyak ang lupa na gumawa ng malaking bilog na butas sa tabi ng kaluluwa ng lalaki at may kung anong nilalang ang lumalabas.

Isang nilalang sa anyo ng tao, maitim na uling ang kulay ng buo niyang katawan.
Ang mga mata niya'y nagliliyab na parang bola ng apoy.
Ang mahabang buhok niya'y lumulutang sa ere na parang nagsasayawan.
parang sakanya nanggagaling ang makapal na itim na usok.
Tama, binubuga niya sa kanyang bibig.
Paikot-ikot siya na gumagapang sa gilid ng butas.

Tapos may narinig akong malakas na dagundong na tunog, parang tunog ng isang libong trumpeta n...

1