Writings about lost (1)
1 of 1

PAGLAHO

Submitted by on November 2, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , ,

Sadya nga bang nakapagtataka?
Na ang pag-ibig ay nangawala?
Ngunit ang katotohanan ay ganap na,
Pag-ibig sayo'y naglahong parang bula.

Tanungin man ako, di ko alam-
Hindi rin masasagot ng agham;
Hindi matatapos ang iyong agam-agam;
Sa akin nawa'y huwag kang masusuklam.

Oo nung tayo'y nagmamahalan,
Ang sumpa nati'y magpakaylanman.
Ngunit nangyari nga na kita'y iniwan,
Sa hindi ko din malaman na dahilan.

Tangi ko lamang hiling sa twina,
Ako'y maintindihan mo sinta;
Na kung sakali mang tayo'y magkita pa,
Pagkakaibigan nati'y di nasira.

(c) the poem was written by the author under a different name....

1