Writings about long distance (1)
1 of 1

Layo 2 (LDR 2)

Submitted by on August 14, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , ,

Nakatingin sa kalangitan,
At umaasa na mapadaan,
Ang bulalakaw na mahingan,
Hari nawa ako'y mapagbigyan.

Ibig ko sanang makasama,
Aking nag-iisang sinisinta.
Na ang layo ay milya milya,
Ngunit sa puso ko nakatira.

Huwag nawang maging balakid,
Ang pagmamahala'y wag mapatid.
Pangakong di makikiapid,
Ito'y dusa lang ang ihahatid.

Onting tiis na lang oh mahal,
Matatapos din ang pagpapagal.
Mawawala din ang sagabal,
Paghihintay di na magtatagal.

Hintayin mo aking pagbalik,
Ako ma'y lubos na nasasabik.
Muling matikman ang yong halik,
Sa pag-ibig yan nga ay hitik....

1