Writings about loneliness (1)
1 of 1

Anna...

Submitted by on December 11, 2013 (2 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: One Night Stand | Tags:

Isang kwento na katha ng masalimuot na pag-iisip… kung ito man ay nahahawig sa tunay na buhay, isang pagkakataon lamang…  sana kapulutan ng aral…

Si Anna ay isa sa libu libong mga kababayan natin na nangibang bansa at kahit mabigat sa kalooban ay humiwalay sa kanyang mga mahal sa buhay.  Masasabi mong dito sa Pilipinas ay kaya naman nyang pumasok sa maayos at matatag na trabaho ngunit nag desisyon na lumayo at mapag isa dahil sa personal na kadahilanan.

Sa kanyang pag-iisa ay hindi matatago ang kalungkutan, lalo na sa kanyang pagtulog na ang kanyang paligid ay tahimik.  Hindi lang miminsan na sya ay nagigising at dinadalaw ng kanyang mga nakaraan.  Dala na din ng kalungkutan, hindi lang minsan na sinubukan nyang makipagrelasyon.  Sa bawa’t isa ang pakiramdam nya ay ito na ang hinihintay nya, subali’t sa bawa’t isa na ito, ay karagdagang sakit ang pinaparamdam sa kanya.

Isang gabi, hindi na naman sya makatulog.  Nagbalik tanaw sa isipan nya ang mga mahal nya sa buhay, ang mga lalakeng minahal nya, and taong naging dahilan sa pag layo nya.  Masalimuot at magulo ang isipan nya ng mga oras na yon.   Kung wala syang gagawin, pakiramdam nya ay bibigay na sya.  Kailangan nyang lumabas.

Bumangon sya at nagbihis.  Kailangan syang makalimot at sumaya kahit panandalian.  Una ay kailangan nyang maramdaman na sa kanyang sitwasyon, sya ay kaaya –aya pa din.  Pinili nya ang isang maikling damit...

1