Writings about law school (5)
1 of 1

Abugigil Part 6: The Bonding

Submitted by on October 26, 2012 (4 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , , ,

As usual, pagka gising ko ay dumiretso na ko sa library... Malapit na ang Midterm exams namin kaya kailangang maghapit. Nag lunch na kong mag isa bago pa man ako magpunta sa library para makapag dire diretso ako ng pagbabasa. Dumating ako sa library sa school ng mag aalas dose ng tanghali, wala masyadong tao. May isa lang babaeng third year at dalawang first year na hindi ko mga kaklase. Humila ako ng isang upuan sa isang cubicle para kahit magdatingan ang mga tao ay makapag concentrate ako sa mga binabasa ko. Nakakatamad at nakakapagod magbasa pero kailangan...

Hindi ko na namalayan na may dalawang oras na pala akong dire diretsong pagbabasa. Maya maya pa ay pumasok na sa library ang napakagandang si Mars...wala na naman siyang bitbit na gamit. Sigurado akong ilang minuto lang ang lilipas at dadating na si Ryan, dala dala ang mga gamit ni Mars. Nagtataka talaga ako na iba ang boyfriend ni Mars sa profile nya sa facebook samantalang parang boyfriend din niya itong si Ryan. Ito ba ang tinutukoy ni Michael sa sinabi niyang mahirap i-handle ang babaeng si Mars? Kung yun man, nakaka turn off. Dumiretso na lang ako sa pagbabasa at hindi ako lumilingon, bagamat pinakikiramdaman ko ang mga kilos ng mga tao sa likod ko... tama nga ang tantsa ko at dumating na si Ryan. Napalingon ako at nakita ko ng iniabot ni Ryan kay Mars ang bag ng dalaga. Nakangiti si Mars sa kanya at nagpasalamat. "Sobrang gentleman mo talaga, Rye," banggit ng dalag...

Abugigil Part 5: the meeting

Submitted by on October 25, 2012 (4 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , , ,

Ilang linggo na akong pumapasok at nararamdaman ko na ang pressure at hirap ng pinasok ko. Tulad ng dati, nakagawian ko pa rin ng pagkakagising ay diretso na sa library matapos maligo. Malapit lang kasi ang boarding house ko sa school kaya kadalasan ay nilalakad ko lang ito. Nakagawian ko na na mag lunch kasama si Bev at ang mga kaklase ko. Routine na ito, ika nga. Araw araw din, bandang alas dos ng hapon ay dumadating sa library si Mystery Girl kasama ang boyfriend niya na nalaman kong Ryan ang pangalan at member ng Student Government sa law school. Araw araw kong nakikita si Mystery Girl pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang buong pangalan niya. Kung may kumakausap sa kanya sa library, kadalasan "Ate" ang tawag sa kanya, dahil nalaman kong 4th year na pala siya kaya iginagalang. Seniority, kumbaga. Minsan naririnig kong tinatawag siyang "Mars" ng mga kaklase nya. Pero hindi pa rin sapat para lubusan ko siyang makilala. Sa pagmamasid ko, mukhang friendly si Mars at medyo may kadaldalang taglay.. Tuwing dumarating siya sa library ay ngumingiti sya, kahit sa amin na mga hindi niya kilala. Sa totoo lang, naiintimidate ako sa kanya dahil bukod sa 4th year na sya, kung hindi niya kasama ang boyfriend niya ay kasama naman niya ang kaibigan niyang babae. Maganda rin ang kaibigang iyon ni Mars. Matangkad, maputi, at chinita.. pero may pagka palengkera kaya nakaka turn off. Siguro sa buong law school, silang dalawa na ni Mars ang pinaka magan...

Abugigil Part 4: ang babae sa bar.

Submitted by on October 25, 2012 (4 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Mature, Romance | Tags: , , ,

Medyo boring ang naging klase ko. 3 hours akong nakaupo, masakit sa pwet. Mukhang mahigpit na professor si Atty. Valdez, may katandaan na pero magaling naman at halatang alam ang itinuturo. Yun nga lang, sobrang daming magbigay ng reading assignments. Kahit tatlong araw pa lang kaming pumapasok, madali nagkakila-kilala ang klase dahil sa orientation na naganap one week bago magstart ang pasukan. Dahil na rin siguro parepareho pa kaming nag aadjust sa buhay sa law school, madalas nagkakausap usap kami pagkatapos ng klase. Kung hindi man ganun, group chat sa facebook para idiscuss kung paano hahanapin ang mga cases na ini-assign ng mga professor. Yun ang turo ng mga upper class na nag orient sa amin nuon, para daw hindi mahirapan ang klase. Sabi nga nila, misery loves company..at dahil pare pareho kaming naghihirap, madali kaming nagkasundo sundo.

Alas 9 ng gabi ng matapos ang klase namin. "Pare, medyo napapaibig akong uminom..tara labas tayo?," Yaya sa akin ng kaklase kong si Michael. Medyo may pagka luko din itong si Michael kaya naman nagkakasundo kami. Agad kaming nakabuo ng barkadahan ng mga lukong lalake sa klase. Si Michael, Ako, si Alex at si Jojie. "Pre, pasensya na wala akong tsikot eh..sinoli ko na sa company nung mag resign ako. Tsaka may pasok pa bukas, baka pass muna ko," sagot ko. "Pambihira ka naman pare...first meeting lang naman natin bukas sa subject na yun, sumama ka na.. tsaka may dala naman akong sasakyan, ak...

Abugigil Part 3 --gigilan sa elevator.

Submitted by on October 25, 2012 (4 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Mature, Romance | Tags: , ,

Bad trip na bad trip akong sumakay sa elevator papaakyat sa library. Ni hibla ng buhok ng mystery girl ko, hindi ko nasulyapan. Lalong nadagdagan ang pagka bwisit ko nung makarating ako sa library at nakitang wala na ang babae sa kabilang lamesa, pati na mga gamit nya. Naiwan ang boyfriend nya kasama ang ilang mga tao na siguro'y mga kaklase nila. Mukha na silang matatanda at may mga kalakihang mga babae. Nawala na nga si mystery girl, napalitan pa ng di kaaya ayang tanawin. Kinuha ko ang gamit ko mula sa mesa naming magkakaklase. "Uy Paul, san ka? Bat dala mo na gamit mo, kakabalik mo lang ah?" sabi ni Bev sa akin. "Ah, eh.. dun muna ko sa isang cubicle. Magsosolo muna ko kasi di ako maka concentrate.. tawagin nyo na lang ako kung bababa na kayo ng classroom ha " "Sige". At nagpunta na ko sa isang cubicle at sinuot ang headphone ko para lunurin ng music ang pagkabadtrip ko. Pinilit kong magbasa para hindi naman magisa sa recitation mamaya sa klase...

...maya maya ay may tumapik na naman sa akin, akala ko si Bev para yayain na ko sa classroom. Laking gulat ko ng makita kong si mystery girl pala. "Hello! First year ka ba?", sabi niya sa akin. "Ahhh... oo. Oo.", sagot ko naman. "Ahh.. ask ko lang sana kung sinong professor nyo mamaya kasi may hinahanap akong professor eh.", sabi ni mystery girl na nakangiti sakin. Ang ganda ganda nya talaga. "Ahhh...uhmmm..ahh.. si Atty. Valdez, constitu...

Abugigil Part 2 ---Ang mystery girl

Submitted by on October 25, 2012 (4 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , ,

Nagulat ako ng may biglang tumapik sa kin habang nagbabasa ako. Tinanggal ko ang headphone ko at lumingon. Si Bev, kaklase ko. “Hoy Paul! Kanina pa kitang kinakausap! kaya pala di mo ko pinapansin eh may nakapasak dyan sa tenga mo” sambit nya habang nakakunot ang noo pero nakangiti. Hindi kagandahan si Bev pero hindi mo naman masasabing pangit sya. Morena, medyo chubby at naka braces. May kaliitan din sa height. Pero isa siya sa mga unang naging kaibigan ko sa law school dahil pareho kaming laging nakatambay sa library. “Ilang cases na ba nabasa mo? Hassle noh? Mali ata na nag law agad ako pagka graduate..dapat ata nag work na lang ako”, sabi niya habang humihila ng upuan para tumabi sakin. “Wala pa kong nababasang cases..sa book pa lang, nag uumpisa pa lang ako kasi kakarating ko lang”. “Hindi ka ba nagbasa kagabi? Siguro Paul lasing ka na naman kakaisip sa ex mo noh? Hahaha”, sagot ni Bev sa akin. “Hindi ah..uminom lang ako ng konti kagabi pero di dahil sa ex ko”. “Edi naglasing ka nga! Hahaha. Grabe ka 3 days pa lang tayong pumapasok, pumapasok ka na kaagad ng lasing” “Hindi ako lasing. Edi sana tulog pa ko hanggang ngayon..mas grabe dito, 3 days pa lang tayong pumapasok tambak na agad sa babasahin. Kumain ka na ba, Bev? Gutom na ko eh. Hindi pa kasi ako nag bbreakfast..dito na ko dumiretso” “Breakfast?? Eh Paul 11:30 na! Lunch na kaya!” “Tara Bev, kain muna tayo sa baba..” “Sige ba, basta treat mo ko!” “hanap mo ko chicks, lilibre...

1