Writings about lakbay (1)
1 of 1

Samahan Mo Ako

Submitted by on September 7, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , ,

Samahan mo ako oh kaibigan ko
Sa daang ito, sa paglalakbay na to.
Bagamat ang lakaring ito'y mabato,
Panatag ako basta't kaw kasama ko.

Samahan mo ako sa aking paglakad,
Paghanap ng iba'y hindi ko na hangad,
Ang samahan natin ay walang singtulad,
Di ako mangangamba san man mapadpad.

Salamat sa iyo kaibigang tunay,
Palagi kang nariyan handang dumamay.
Bagamat madalas akong sumasablay-
Di binibitawan aking mga kamay.

(six.20.thirteen)...

1