Writings about Kapitan T (2)
1 of 1

Si Kapitan T at ang Halimaw sa Bgy. Caburatan

Submitted by on September 4, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Sci-Fi and Fantasy | Tags: , ,

Si Kapitan T at ang Halimaw sa Bgy. Caburatan                Barangay Caburatan

Isang umaga, abala ang mga tao sa paglalakad sa mataong lugar ng kanto Tinio. Tinutumbok kasi ng kantong iyon ang talipapa ng malawak na barangay. Maraming mamimili ang nagmamadali at nakikipag-patintero sa mga dumadaang sasakyan.

KA-BOOOOMMMMMMM!!!!

Biglang nabingi ang lahat ng naroon----Isang malakas na pagsabog ang nagpayanig sa maliit nilang pamayanan. Isang lumang warehouse ang bigla na lamang sumabog kasunod ang pagsabog ng isa pang abandonadong building sa tabi nito.

"Terorista! May Terorista!" sigaw ni Mang Mael, isang kabesa ng barangay,"Magsitakbuhan kayo!!!" sigaw niya.

Bigla na lamang tumumba ang kabesa, bumula ang kaniyang bibig at nagkikisay.

Nagimbal ang mga taong naroon sa nakita. Nagsipagtakbuhan sila.

"AEIIIIII!!! HALIMAWWW!!!" tili ni Aling Sion, "May malaking TITE! May Titing naglalakad!!! hiyaw niya sa labis na takot.

"SAAN?" masayang tanong naman ng tindera ng banig na si Rebecka,"'San yung malaking titi?"

Mula sa likuran ni Aling Sion ay nakita ni Rebecka ang isang naglalakad na taong titi. May mukha ,kamay at paa ang halimaw. Sa pagitan ng hita nito ay may isang makamandag na cobrang...

Ang Alamat ni Kapitan T, Ang Tigasin na Bayani

Submitted by on September 2, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Sci-Fi and Fantasy | Tags: , ,

Ang Alamat ni Kapitan T, Ang Tigasin na Bayani

           Baryo ng San Juan Poblacion

"Magbigay ka ng kinita mo kung ayaw mong masaktan!" wika ni Kardong Taga, ang lasenggong maton sa liblib na lugar na iyon.

Hinarang niya ang beinte-tres anyos na binatang si Pepito na naglalakad sa isang kalsada sa hapon na iyon.

"A-eh...P-Pasensiya na...W-wala akong gaanong kinita ngayon" tugon ni Pepito,"Halos sinira ng bagyo ang mga pananim ko" sabi niya, "B-baka pwede na 'tong kamoteng dala ko."

Nagtawanan sina Kardong Taga at mga alipores niya, "Kamote? Niloloko mo ba kami?" sabi ng siga.

Inundayan niya ng isang suntok sa sikmura ang kawawang si Pepito. Namaluktot sa sakit ang binata.

Hinarang naman ng maton ang batang naglalakad na may tindang Sampaguita.

"Ikaw! Akin na yung kinita mo?" sigaw ni Kardo, "Ibigay mo kung ayaw mong masaktan!"

"M-Maawa po kayo!" iyak ng takot na paslit,"Pang-kain naming magkakapatid ang kinita ko."

Hindi siya pinakinggan ng lalaki.

Inagaw nito ang supot na hawak ng paslit. Tumilapon ang ilang nahulog na barya sa tabi ni Pepito.

Pagkatapos ay itinulak ng siga ang batang babae at akmang sasaktan.

...

1