Writings about kahapon at ngayon (1)
1 of 1

Sa Pagsasalpukan ng Kahapon at Ngayon

Submitted by on February 7, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

Sa di inaasahang pagkakataon,
Heto at nagbalik ang aking kahapon;
Na sa akin ay nangadudulot ngayon
Ng kaguluhan na ibig kong itapon.

Higit dekada na yata ang dumaan,
Nang tayo ay nagkahiwalay ng daan;
Kung kaya ang tanong sa aking isipan-
Bakit pa dumating sa kasalukuyan?

Dala mo ngayon pag-ibig na natago,
Oo, ako man ay mayroon din nito;
At kasabay ng ating pagkakalayo-
Ito'y kinimking mainam sa 'king puso.

Bakit ba ngayon ka pa muling dumating?
Kung kaylang ako'y mayroon ng kapiling:
Sana'y 'wag ng ipilit pag-ibig nating
Naudlot noon at 'di naiparating.

©darkcipher
(Note: the poem is also posted in a FB page under Mga Tula ni Beano.)
...

1