Writings about just because there are no new posts so I am reposting this (1)
1 of 1

Munting Pag-ibig

Submitted by on August 30, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags: ,


December 24, 2013.... alas sais ng umaga.

“Hon, gising na. Maaga pa tayo aalis.” Paggising sa akin ng bestfriend kong si Trisha.

“Hmmmm….” Igsi kong sagot sabay dilat ng aking mga mata.

Then, kinuha ko ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan.

Four missed calls sa Viber from an unregistered number, +63917718xxxx.

“Sino kaya ‘to?” Tanong ko sa aking sarili.

“Hmmmm…” I typed in and pressed send.

“Dude ” Came the reply.

Nagulat ako at kinabahan.

“Dudeeeeeeeee!” I literally shouted while I was typing my message.

“Namiss kita.”
“Miss na kita ah!”

Halos magkasabay naming text.

Naramdaman ko ang kakaibang kaba nung nabasa kong namiss din pala niya ako. Totoong namiss ko din kasi siya. Ewan ko ba, parang may ibang kiliti akong naramdaman sa kaibuturan ng aking puso nung nabasa ko ang message ni Rey, isang lalakeng na-meet ko sa isang adult site.

Si Rey ay 21 anyos pa lamang pero sa mahigit dalawang buwan naming pagpapalitan ng mga messages sa adult site na ‘yon ay napagtanto kong matured siyang mag-isip at madami siyang pangarap sa buhay. Base sa kanyang pag-de-describe sa kanyang sarili, siya ay mas taas na 5’5”, may timbang na 60 kilograms at may pagka-moreno. At sya ay nakapagtapos sa kursong Mechanical Engineering.

Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong...

1