Writings about joke lang (1)
1 of 1

Biro-Biro

Submitted by on December 5, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , , ,

Biro-Biro

Alam mo naman ang sabi ng salawikain:
"Biro-biro kung sanglan, totoo kung tamaan,"
Kaya't maaari mo bang sabihin sa akin-
Yung sinabi mo ba'y dapat kong paniwalaan?
O di kaya'y huwag ko na lamang yun pansinin?
Baka sa dulo nito'y ako rin ang masaktan.

Kaya't ang akin lamang mahihiling sa iyo
Maging totoo sa iyong mga sinasabi,
Huwag mo nawang paglaruan ang aking puso,
Sapagkat ito ay bumibigay ng madali-
Mabilis din itong madurog at nagdudugo,
kaya't sana sa 'king daing ay wag maging bingi.

Ayaw kong maniwala sa 'yong pinapakita,
Ngunit sadya nga bang mahilig kang magparamdam?
Sa iyong pagpapahiwatig ako'y aasa;
Ngunit kapag abot kamay na ang inaasam-
Bigla kang mawawala gaya ng alaala,
Na sa aking puso't isipan ay sumasamsam.

Oh layuan mo na lang ako magandang dilag,
Nais ko pang manatili aking katinuan;
Sa mundong ito'y ayaw kong magmistulang kumag,
Kaya't mas pipiliin ko na ika'y layuan.
Ayaw ko na sa iyong pain ako'y mabitag-
At ang mabulok sa isang sulok ng karimlan.

BXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBX

copyright by the author. poem is also posted in a social media site under a different name....

1