Writings about immoral (1)
1 of 1

Supervisor

Submitted by on January 2, 2016 (11 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Mature, Romance | Tags: , , , , ,

Isa akong graduating student sa kursong BS Information Technology, mahirap ang aming pinagdaanan bago matanggap sa isang kilalang kompanya para maging intern. Ako ang unang natanggap sa aming magba-barkada para maging intern. Nagkataon naman na naghahanap pa ng karagdagang interns ang kompanya kaya isinama ko na din ang aking mga ka-barkada para na din tulungan sila at makapag simula na.

Ako nga pala si Kael, iki-kwento ko sa inyo ang karanasan ko sa aking bisor noong ako ay intern pa. Malaking kompanya ang napasukan namin, eksakto dahil kulang na kami sa oras, tatlong buwan na lang ang natitira sa amin, isang semester kasi ang internship namin, total of 500 hours. Na-assign kami sa Information System Dept.

Noong unang beses naming humarap sa aming supervisor; masungit, mahigpit at estrikto ang una kong impression sa kanya. Tama nga ako, lahat ng yun ay katangian nya, pero, hindi ko naisip ang mismong itsura niya, babae ang aming bisor at higit sa lahat maganda siya, nasa mid-30's na ang edad niya, si Mam Lanie. Halatang maalaga siya sa katawan niya dahil di mo aakalain na may anak at asawa na pala siya, maputi at may pagka-haponesa ang dating.

Para lang din siyang estudyante kapag unang beses mo siyang nakita. Unang buwan namin sa internship wala kami ginawa kundi mag troubleshoot ng mga pc's ng iba't-ibang departments ng kompanya. May oras na sisilip na lang bigla ang aming bisor para i-check kung talagang nagttrabaho kami.

Na...

1