Writings about ikaw (1)
1 of 1

Ikaw!

Submitted by on June 22, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , ,

Ikaw! Oo, ikaw. Ikaw nga tinutukoy ko. Kelan ka ba matututo? Ayan ka na naman eh. Paulit‑ulit ka na lang.

Ilang beses mo na bang sinabi ang mga katagang “ayoko na” at “suko na ako”? Ilang beses mo na bang sinabi na “Last na to, pramis. Pagkatapos nito, titigil na ako.”? Ilang beses na di ba? Pero heto ka na naman. Sa tuwing lalapit sya sayo, di mo naman mahindian.

“Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang iniiwasan ka
Di na natuto”              

Naku! Bagay na bagay sayo ang kantang yan. Di ka na kasi natuto.

Naku, huwag mong sabihin na in-love ka sa kanya. Akala mo lang yun. Marahil nalulungkot ka lang kasi karamihan ng mga taong nasa paligid mo ay may asawa, may kabit, may inaasawa, may kinakabit, may nobyo, may nobya—ikaw lang ang wala.

Tatawagan ka nya kasi badtrip sya at wala syang makausap. At ikaw namang si gaga, nagkukumahog kang sagutin ang tawag niya. Pag di mo naman nasagot, tatawagan mo sya agad o kaya ite-text ng “Sorry I missed your call.” And you wait for him to call you back counting every minute until he does and hating yourself for missing his call.

Eh ano kung tumatawag sya sayo? Naku, wag kang kiligin. Wag mong kulayan ang isang bagay na walang kulay. Wag mong bigyan ng kahulugan ang isang bagay na walang kahulugan. Hindi ikaw ang una niyang n...

1