Writings about hollow (1)
1 of 1

Kabilang Mundo 2

Submitted by on August 29, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy | Tags: , , , , ,

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Kuatro)

"Bakit mo ako nakikita? May third eye ka ba? at bakit hindi ka natatakot sa'kin?"
panimulang tanong ko sa kanya.
Sumandal siya sa pader.

"una, masyado kang maganda para katakutan"
sagot niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

May kalagkitan pa ang mga mata niya.

"Maglaway ka!"
ang biglang naglaro sa isip ko.

"Pangalawa, wala namang taong may third eye, pero lahat ng tao may sixth sense.."
patuloy niya habang hinihithit ang sigarilyo niya.

"talaga? Kung lahat may sixth sense, eh bakit ikaw lang ang nakakakita sa'kin?"
mabilis kong tugon.

Nagkibit-balikat siya at mukhang enjoy na enjoy sa paninigarilyo.

"hindi naman talaga kita totaly nakikita, nabi-visualized ko lang ang figure mo dahil nga mas malakas ang sixth sense ko kesa sa ibang tao"

Nagpukol siya ng tingin sa akin kasabay ng paghawi niya ng kanyang buhok sa noo. Mahabang buhok para sa lalaki ngunit maikli kung para sa babae.

"hindi kita maintindihan..."

Kumunot ang magkabilang kilay ko.

"tignan mo yung taong 'yon"

mula sa bintana ng banyo, tinuro niya ang isang lalaking naglalakad sa kalsada sa labas ng puneralya na tinignan namin pareho.

"hihinto yan sa paglalakad at iuunat niya ang dalawang kamay niya."
patuloy niya....

1