Writings about hiwalay (1)
1 of 1

Anino

Submitted by on August 17, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , , , , ,


Kailangan ko ng bumitaw-
Sa isang relasyon na hilaw.
Pagka't nawala na ang ilaw,
Heto't ibigay na ang pataw.

Ilang panahon ang binigay,
Parang inialay ang buhay.
Ngunit nawalan din ng saysay,
Ako nga ay parang namatay.

Bakit ba hindi pinapansin?
Kahit ano pa aking gawin.
Ako'y nagmistulang alipin,
Ginawa lahat ng sabihin.

Ako nga'y mawawala sayo,
Nawa ay iyong mapagtanto,
Na di ako isang anino-
Ako'y taong nagmahal syo....

1