Writings about Happy Valentines (1)
1 of 1

Tunay na Pag-ibig

Submitted by on February 12, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Mula nang makilala kita naging maayos na ang buhay ko.
Tinuruan mo ako kung paano magmahal.
Tinuruan mo ako kung paano maging mabuting tao.
Pinakita mo sa akin ang katotohanan sa huwad na mundong ito.

Sa simula pa lang minahal mo na ako.
Ibinigay mo ang buhay mo para sa akin.
Iningatan mo ako at hindi pinabayaan.
Minsan pinapahirapan mo ako pero sa huli ipinahiwatig mo lang sa akin na kailangan kong masaktan upang tumibay ang kalooban ko.

Sa dami ng ginawa mo para sa akin,
ni minsan hindi ka humingi ng kapalit.
Tingin ko pa nga namimihasa na ako,
pero lahat ng hingin ko sayo binibigay mo parin.

Dumating pa tayo sa puntong hiwalayan.
Pinagdudahan ko ang pag-ibig mo,
Feeling ko kase binabalewala mo na lang ako,
Hindi mo na ako pinapansin na parang hindi mo na ako mahal.

Inaway kita, sinigaw-sigawan.
Kung ano-anong masasakit na salita ang binitawan ko sayo,
Pero nanatili kang kalmado.
Hindi mo pinapatulan ang init ng ulo ko.

Sa relasyon natin marami akong naging kasalanan,
Pero ang lahat ng ito pinatawad mo.
Nanatili kang tapat sa akin kahit hindi ko magawang magbago para sa iyo.
Hindi mo ako hinusgahan, hindi mo ako sinaktan tulad ng pananakit ko sayo.

Ni minsan hindi ka gumanti.
Binigyan mo ako ng kalayaang magdesisyon sa ano mang bagay.
Ni minsan hindi mo ako sinumbatan.
Palagi kang nariyan sa mga oras na ka...

1