Writings about Halik ng higanti (1)
1 of 1

Halik ng Higanti 5

Submitted by on March 28, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers | Tags: , , ,

IKALIMANG KABANATA
(Ang natatagong lihim)

"Nabalitaan ko yung nangyari sa Ninong mo. Ikinalulungkot ko hija."
wika ni Diana kay Isolde isang umaga sa kanilang pag-uusap.

"Salamat Tiya. Nakakalungkot nga pong isiping sa isang iglap lang pumanaw na sila, pero ang inaalala ko ngayon ay si Joshua. Na-trauma ata dahil nakita daw ng bata kung papa'no patayin ang mga magulang niya."

"Nasaan na ba siya ngayon?"

"Ayun ipinasa ko siya sa DSWD habang hindi pa siya kinukuha ng lola niya sa probinsiya. Alam kong mas maaalagaan siya ng maayos don. Kukupkupin ko sana pero mag-isa lang ako sa bahay, walang titingin sa kanya kapag pumasok na ako sa trabaho."
napabugtong-hininga pa si Isolde.

"Gano'n ba...o sige, paminsan-minsan dadalawin ko siya. Kawawang bata"

Sa kalagitnaan ng kanilang usapan ay pumasok ang isa sa mga kasambahay ni Diana.

"Ahm. Ma'am, may aplikante po bilang driver."
pagsabat nito sa usapan ng dalawa.

"Ah ok. Sige, papasukin mo muna dito at nang makausap ko."
tugon ni Diana.

"Umalis na naman ang driver mo tiya? Diba't kapapalit mo lang last month?"

"Ah. Oo nga Isolde, ewan ko ba't iniiwan nila ang isang magandang amo tulad ko. Ahihi"
pagbibiro pa ni Diana at humagikgik.

Napatindig si Diana at maging si Isolde nang makita ang bagong driver.
Si Diana napakagat-labi dahil sa kakisigan at kagwapuhan ng nasabing driver,
...

1