Writings about graduation (1)
1 of 1

The Fling

Submitted by on September 26, 2017 (1 month ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Mature | Tags: ,

©2016 LordDrake. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

Disclaimer: Ang kuwentong ito ay likhang isip lamang. Anumang pagkakahalintulad sa tunay na tao (buhay o pumanaw na), lugar, at/o pangyayari ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. At dahil likhang isip ko nga ito, ginawa ko na walang anumang sexually transmitted diseases (STD) sa mundong ginagalawan ng katauhan ng kuwentong ito. Kaya kahit hindi sila gumagamit ng maski anong safe sex practice ay hindi nila alintana ito. Hindi katulad nating mambabasa na gumagalaw sa mundong mayroong STD. Kaya sana po ay parating gawin ang safe sex.

Pasimula

            Maganda ang sikat ng araw nang Sabado ng umagang iyon. Walang kaulap-ulap sa bughaw na kalangitan. Tipong sinasabayan ng araw ang ngiti at tuwa ng mga magsisispagtapos ng kolehiyo. May ilang daan kabataang kasama ang kanilang mga magulang ang nagtipon-tipon sa PICC para sa pagdiriwang ng pagtatapos ng kanilang pamantasan. Iba’t-ibang damdamin ang nadarama ng mga dumalo. Sa mga magulang at kamag-anak ng mga bata ay pagmamalaki at saya. Sa mga nagsisipagtapos ay tuwa na natapos rin nila ang kolehiyo. May ilang nagkikimkim ng pangamba para sa kinabukasan, ngayong hindi na sila mag-aaral. May ilang nalulungkot dahil malamang at hindi na nila makakasalamuha ang mga taong kaakibat nila nitong mga nag...

1