Writings about gentleman (1)
1 of 1

Diskarteng Adan?

Submitted by on February 9, 2017 (5 months ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Hindi maikakaila na ilan dito sa site na nakakilala na ng mga iba't ibang tipo ng babae, sa virtual man, na umabot sa pagkikita o hindi. Maaaring tayo ay nagandahan, naseksihan, nagiliwan sa paraan ng pakikipag-usap o natalinuhan.

Posible rin na makailang ulit pa siguro na pinagpantasyahan sa banyo, hinahanap-hanap, nainlab, pwede ring naintimidate o nalibugan at iba pa.

Pero may ilang mga bagay ako na nais maunawaan sa mga kapareho kong "Adan" na marahil ay may personal na diskarte sa pakikitungo sa isang babae (sa virtual world na lang muna).

Una, may ilan na ina-assume na ang babae sa virtual world ay naghahanap ng jowa, sex o anumang klase ng relasyon. Kaya kung minsan ay nagkakamali sa approach dahil sa ganitong assumption.

Ikalawa, may ilan naman na hinihila agad sa convo ang babae sa usaping sexual. Tipong nagmamadali at kating-kati yata. Kumbaga sa pakikipagtalik ay syut agad at kulang sa foreplay.

Ikatlo, ang pinakamasaklap sa lahat ay parang mas kailangan pang mag-ingat ng lalaki sa pagprotekta sa kanilang katauhan nila kesa sa babae. Na parang may mas pinangangalagaan pa sila na reputasyon kesa sa babae na kausap o ka-date. Yes, tama lang na mag-ingat tayo pero simplehan lang natin at huwag OA na parang tayo pa ang babae kung mag-inarte.

Kapag sa pakiwari mo ay may mali o red flag sa situation ay just politely walk away...

1