Writings about fun time (1)
1 of 1

Carnal

Submitted by on October 17, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:



Chapter XX: Day Off!

Nagkatinginan kami ni papa at napailing nalang siya at sabing "hintayin kita sa labas" at tumalikod siya at bumaba ng hagdanan, tumingin ako sa pintoan ng kwarto ko baka kasi sumilip si ma'am Chello bago ako sumunod sa baba at naupo sa tabi ni papa sa labas ng bahay. Pareho kaming nakatingin sa gate at ni wala sa amin ang nagsalita, naririnig ko pang tumataghoy ang papa ko na alam ko na ang ibig niyang iparating. Pagdating kasi sa personal na bagay hindi ka niya tatanongin hihintayin ka lang niya na ikaw ang magkwento tungkol nito kaya siya tumataghoy para ipaalam sa akin na binibigyan niya ako ng pagkakataon na sabihin, ipaliwanag o ikwento sa kanya ang totoo. "Pa" panimula ko na tumigil siya sa kakataghoy at tumingin siya sa akin "opo" sabi ko na inakbayan niya ako at nginitian ako.

Tumingin siya sa loob ng bahay bago sabing "ok lang naman sa akin yan anak, girlfriend mo ang boss mo, ok lang talaga sa akin, wala naman akong pinipili basta ang importante maging totoo kayo sa isa't-isa at nagmamahalan kayo" sabi niya. Tahimik lang ako "kilala mo naman ako hindi ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti parin siya sa akin "opo" sagot ko "haaayyyy hindi kana talaga bata" sabi ni papa sa akin na ginulo pa ang buhok ko. "Huwag niyo muna sabihin kay mama alam mo naman yun" sabi ko sa kanya "hahahaha ako na bahala sa mama mo, basta tandaan...

1