Writings about Forgiveness (3)
1 of 1

Sulsol At Pagpapatawad Part 8 Finale

Submitted by on August 11, 2016 (3 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Makalipas ang isang taon ay bisperas ng pasko nanaman. The usual Noche Buena sa bahay nila Marco at Carla. Limamg buwan na ang anak nila Marco at Carla na si Marla. Hango sa pangalan nila. Tuwang tuwa naman si Celine sa kanyang kapatid at marunong na itong gumapang. Kinasal na rin sila Maynard at Jessie. Malungkot naman si Yaya Ofel dahil hindi siya makakauwi sa Davao. Bigla kasing nagka emergency ang isang kasambahay nila at kinailangan umuwi ng probinsya.

Carla: Yaya pasensya ka na ha. Di ko naman inasahang magkaka emergency si Marie.

Ofel: ok lang po yun maam. Babawi na lang ako next year.

Hindi alam ni Ofel na ka text na ni Carla ang kanyang anak na si Kim at parating na sa kanilang bahay. Gusto kasi ni Kim surpresahin ang kanyang nanay. Niyaya din niya ang mga itong mag pasko at bagong taon sa kanila. Mga ilang sandali pa ay may nag doorbell.

Carla: Yaya paki buksan ang pinto.

Binuksan ni Ofel ang pinto at nagulat siya sa kanyang nakita. Si Kim ito kasama ang kanyang asawang si Ariel. Kasama din nila ang kanilang mga anak na sila Arkin at Andrea.

Kim: SURPRISE! MERRY CHRISTMAS!

Napaluha sa tuwa si Ofel nang mga oras na iyon.

Carla: Kim pasok kayo.

Nang papasok na ay may biglang sumigaw na lalake.

Boy: INAY!!!

Kim: OH MY GOD! DARWIN! Salamat sa Diyos at nakauwi ka.

Darwin: Pinayagan ako ng boss ko ate.

Carla: Halika Darwin. Pumas...

Sulsol At Pagpapatawad Part 7

Submitted by on August 11, 2016 (3 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Habang nasa byahe ay sinabihan ni Ofel si Celine tungkol sa sinabi niya kay Carla.

Ofel: Celine di mo dapat kinukulit ang Tita Carla mo kung kelan siya magkaka anak. Na pre pressure din kasi siya.

Celine: sorry po yaya. Gusto ko lang naman magkaroon ng kapatid. Naiinggit po kasi ako sa mga classmate ko.

Ofel: Ganito gagawin natin. Mag pray tayo kay Papa Jesus tuwing gabi. Ok ba sa iyo?

Celine: Ok po yaya.

Ofel: tapos dapat hindi mo sila bibigyan ng sakit ng ulo. Super behave ka dapat.

Celine: Promise yaya! Behave ako.

Maayos ang buhay nila Marco, Carla at Celine ngayon. Para na silang isang buong pamilya. Madalas nang umuwi ng maaga si Marco galing opisina upang makapag bonding sa kanyang anak. Pag weekend naman madalas silang mag out of town trip lalo na tuwing long weekend. Paborito nilang destinasyon ang Subic at aarkila sila ng yate at magpapalaot. Mas tumibay ang pundasyon ng kanilang relasyon ngayon at hindi na rin nagpapadala sa mga kanchaw at sulsol si Marco.

Habang nasa opisina at nagtratrabaho ay nakaisip si Marco ng paraan upang surpresahin si Carla. Plano niyang agahan ang kanilang honeymoon. Tinawagan niya ang kanyang kapatid na si Maynard upang ihabilin si Celine sa kanya. Nang maisaayos na niya ang mga ito ay nagbook na siya ng plane ticket papuntang Maldives. Ang lugar na gustong gusto puntahan ni Carla.

Kinagabihan bago sila matulog ay inabot ni Marco kay Carl...

The Spirit Of A Kanto Boy Part 8 (Ang Pagtatapos)

Submitted by on July 19, 2016 (4 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Limang taon ang nakalipas.

Nabiyayaan sila Ambet at Vivian ng isang anak, si Alfred. Hango sa pangalan ng ama ni Vivian. 5 month old na siya. Medyo natagalan silang mag buo dahil na rin pinilit nilang magpursigi ng todo upang mabigyan ito ng magandang buhay bago lumabas sa mundo.

Naglakas loob si Ambet magbukas ng sariling talyer at kalaunan ay nakapag pundar na din siya ng isang auto supply. Maayos din ang naging takbo nito at nagplaplano na siyang magbukas ng isa pang pwesto.

Si Vivian naman ay isa nang sikat na OB Gynecologist sa Cardinal Santos at St Lukes. Mahaba ang pila sa kanyang clinic na tanda na maganda ang takbo ng kanilang buhay.

Si Ella naman ay isa nang ganap na doktor at kumukuha na ng residency para maging Pediatrician. Tuluyan naman nang pinatigil ni Ambet ang kanyang ina sa pag tanggap ng patahi at sinusustentohan na niya ito.

Kahit na nakakaangat na sa buhay ay hindi naman sila nakakalimot sa kawang gawa. Madalas pa rin mag medical mission si Vivian at Ambet kasama si Ella sa mga lugar kung saan sila kailangan.

Dahil na rin sa makabagong teknolohiya ay hindi naputol ang komunikasyon ni Vivian sa kanyang ina na si Pacita. Madalas siyang magpadala ng mga pictures ni Alfred sa Viber maging mga video nito. Matigas pa rin si Alfredo kahit limang taon na ang lumipas.

Pacita: Alfredo limang taon na ang nakalipas. Nagmahal lang naman ang anak mo. Maayos naman ang buhay nila ngayon.
...

1