Writings about flash back (2)
1 of 1

Ang Nakaraan ni Amy Ch 03

Submitted by on May 30, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Wife Lovers, Mature, Romance | Tags: , , , , ,

Ang Nakaraan ni Amy Ch 03Pabatid: Ang susunod na kabanata ay may eksena ng karahasan laban sa kababaihan. Hindi ko mapatawad ang ganitong klaseng gawain, ngunit isinali ko pa rin ito sa aking kuwento para maipaliwanag ang sanhi o dahilan sa ikinilos at ginawa ng bidang tauhan. Sana ay walang humalintulad sa eksenang iyon.

Kabanata 3

   Martes ng umaga nang matanggap ni Amy ang text message ni May. Nagmulat na raw si Kuya Jimmy. Ngunit mahina pa rin ito, kaya hindi pa muna tinanggal sa respirator at binabantayan pa rin ng mga manggagamot.

   Pagkasundo sa kanya ni Drei sa opisina ay agad namang dumalaw sa ospital ang mag-asawa. Sa loob na ng I.C.U. nila natagpuan si May sa pagkakataong ito. Kahit na halatang puyat ay mukhang mas magaan na ang pakiramdam. Si Jimmy nama'y himbing na natutulog.

   "Ok naman na," sagot ni May nang kumustahin ng mag-asawa. "Binigyan na muna nila ng sedative para makapagpahinga. Baka bukas daw ay tanggalin na ang respirator."

   "Mabuti naman kung ganoon," sabi ni Amy.

   "Sabi sa iyo matibay yang si Jimmy," dugtong pa ni Drei.

   Ilang oras ding nagtagal ang mag-asawa sa ospital. Sinamahan na rin nilang maghapunan si May, na umaming hindi pa siya nananaghalian. Dakong alas otso ng gabi nang sila'y magpaalam na.

   "Naalala ko lang," sabi na Drei nang papasok na sila ng bahay nila. "Hindi...

Ang Nakaraan ni Amy Ch 02

Submitted by on May 25, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Wife Lovers, Romance, Transsexuals | Tags: , , , ,

Ang Nakaraan ni Amy Ch 02Kabanata 2

    Pasado alas tres na ng hapon nang makarating sila Amy at Drei sa ospital kung saan naka-confine si Jimmy. "Kahit Linggo matindi pa rin ang trapik," pahayag ni Drei habang nagmamaneho. Tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Amy buong biyahe nila, halos walang imik na nagmumuni-muni.

    Third year na sa kursong Economics sa isang kilalang pamantasan sa may Katipunan si Amy noong magsimula siyang maging model. Isa sa mga dating kaklase niya sa isang general education subject niya ang nag-anyaya sa kanya. Dahil sa angking ganda at hubog ng katawan ay natanggap naman agad siya. Pero dahil sa ayaw niya namang pabayaan ang kanyang pag-aaral, lalo na't honor student siya, madalang siyang tumanggap ng trabaho. Tutal hindi naman talaga niya kailangan ang pera dahil may kaya naman ang kanyang mga magulang. Kumbaga, ginawa niya ang pag-model dahil pangarap niya rin naman iyon at curiuos din siya. Sa isa sa mga fashion shows na kanyang pinag-model niya nakilala si May. Nagkasundo sila ng ugali, at agad naging malapit ang loob sa isa't isa.

    Magmula noon ay madalas na parehong gig ang nakukuha ng dalawa. May ankging kagandahan din naman si May. Isa siya sa mga model ng kanilang agency na kayang sabayan si Amy nang hindi nagmumukhang pipitsugin. Sa ganoong dahilan kaya ang mga client ay madalas silang i-...

1