Writings about fiction short story (1)
1 of 1

Love Letter ni Kimmy sa Boypren

Submitted by on September 3, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags: , , , ,

A/N: This story is part of my "made-up random" short stories collection and posted on my personal blog, which has been in indefinite hiatus for almost a year.

Hi Boyfriend,

Teka, bago ko umpisahan ang aking love letter (naks, love letter!) eh gusto kong sabihin na first time 'ko na gumawa nito. Hindi ko alam kung tama ba or kailangan bang may formula or structure pag sumusulat ng love letter. Pero ang importante 'yong nilalaman. Agree ka? Oo ka na lang ha.

Sige, heto na.

Mahal kita.

Alam mo, sa unang pagkakataon, nasabi ko rin 'yan. Kahit ako medyo nagulat eh, dahil kahit sa magulang o kaibigan ko hindi ko pa nasabi 'yan. Hindi ako sanay. Nahihirapan ako, 'yon ang totoo. Siguro dahil dinadaan ko lang sa gawaing bahay, sa pagta-trabaho, sa mga simpleng regalo kapag na-trip-an kong magbigay.

At simula noong unang beses na sinabi ko 'yan sa 'yo, kahit paano ay nasasabi ko na 'yan sa mga talagang minamahal kong kaibigan at sa magulang ko syempre. Naisip ko tuloy, kailangan ibang tao pa ang magbigay ng lakas ng loob sa'kin para lang masabi 'yan.

Mahal kita.

Ewan. Hindi ako sigurado kung ano ang dahilan bakit mahal kita. Kailangan bang may dahilan? Specific reason tulad sa Math problems? Siguro'y makulit ka at napapatawa ako sa mga hirit mo? Marahil lagi kang ngumingiti kapag m...

1