Writings about Faithful (1)
1 of 1

WhoGoat

Submitted by on May 19, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , ,

Ang mga babae maingay, tampuhin, madaldal, iyakin, madalas bipolar , may mood swings at kung ano ano pa.

Ang mga babae madalas humihingi ng sapat na atensyon.

Ang mga babae madaming arte sa katawan yan at syempre demanding.

Ilan lang yan sa ugali ng mga babae. Kasi kaming nga babae madaming pangangailangan.

Nagiging dragon kapag nagkakaroon ng buwanang dalaw. Palaging mainit ang ulo at palaging moody pero konting lambing lang yan ok na. Madaling magselos pero bigyan mo lang yan ng mabulaklak na salita ok na.

Nagdadala ng buhay sa loob ng 9 na bwan sa sinapupunan. Nagpupuyat para sa anak na umiiyak kapag madaling araw at inaasikaso ang lalaking mahal nya kahit halos kalimutan na ang sarili.

Pero ano ba naman kung bigyan nyo sila ng sapat na atensyon at pagmamahal, Ano ba naman yung itext nyo sila sa umaga at bago matulog sa gabi? Ano ba naman yung bigyan nyo sila ng malambing na yakap at halik bago umalis at bago matulog.
Bakit ang dami pa rin ng tao sa mundo na nagagawang lokohin at saktan ang mga babae.

Masyado bang unfair ang mundo? Kung sino pa ang nagmamahal ng totoo at tapat sila pa yung niloloko at naiiwang nasasaktan?

Kung matututo lang tayo na magmahal ng TAPAT at TOTOO siguro walang babae o lalaki ang nasasaktan ngayon. Kung matuto siguro tayo maging KONTENTO wala sigurong naiiwan at umiiyak ngayon.

#WhoGoat

Any violent reaction about t...

1