Writings about erotic pinoy stories (3)
1 of 1

Nilason ng Kamunduhan Chapter 10

Submitted by on August 14, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Wife Lovers | Tags: , , , , , ,

Nilason ng Kamunduhan Chapter 106:00 a.m.

"A-Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Fred. Nakaupo ito sa upuan malapit sa isang lamesa.

Kakarating lang nito kanina mula sa pagtatrabaho buong magdamag sa pier.

Hindi kumikibo si Betty. Tulala itong nakadapa at nakatingin sa bagong sikat na araw sa bintana ng kanilang inuupahang kwarto.

Muling dinampot ni Fred ang cellphone ni Betty na nasa lamesa. Binasa ulit ang laman ng cellphone
ng asawa.

Mas tumigas ang boses ni Fred, "Naririnig mo ba ako!? Anong ibig sabihin ng mga text na'to !?! "

Pulang-pula ang mga mata ni Betty. Tila magdamag na itong umiiyak. Tumulo ang luha sa kanyang mga
mata.

"Hu hu hu hu hu" mahina nitong hikbi.

Tumulo rin ang luha sa mata ni Fred,"Betty...m-mahal mo si Homer? Totoo ba 'tong mga nababasa
ko?!...SUMAGOT KAAA!!!"

Isang hagulgol ang isinagot ni Betty sa kanya. Inilubog ng babae ang mukha sa unang ng kama habang umiiyak.

Nanginginig ang kamay na inilapag ni Fred ang cellphone sa lamesa. Tumayo siya at lumakad papunta
sa asawa. Ramdam sa bigat ng yabag niya sa kahoy na sahig ang kanyang hinagpis. Tumayo siya sa
harapan ng babae. Ang nanginginig niyang kamay ay tumiklop. Ang mga nakatagong ugat ng kanyang
pagod na kamay ay nagsilabasan. Tiningan niya ang kanyang mahal na asawa.

Iniangat niya ang kaniyang nakatiklop...

Nilason ng Kamunduhan Chapter 9

Submitted by on August 7, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Wife Lovers | Tags: , , , , , ,

Nilason ng Kamunduhan Chapter 9Beep! Beep!...Beep! Beep!

 Bumusina ang isang lumang modelo ng kulay puting fx taxi sa tapat ng gusaling pinagtatrabahuhan ni Ellen.

 Pumarada ito sa kalsada malapit sa kinatatayuan nila ni Shirley. Humahangos na lumabas mula sa sasakyan ang isang medyo me edad na lalaki, may kaliitan ito, medyo puti na ang mga buhok at medyo payat. Nakadamit lang ito ng pambahay. Binuksan nito ang payong at sinalubong ang pababang si Ellen at Shirley.

"O Mang Caloy, bakit po nandito kayo?" pagtatakang tanong ni Ellen sa matandang driver.

Nagsalita ang matanda sa batangueno nitong punto,"Ala-eh, Tinawagan ako ni Omeng. Nakisuyo na hanguin ko daw kayo dito ngayon eh." sagot naman ng matanda.

Siniko ni Shirley sa tagiliran ang kaibigan, kinikilig ito na bumulong kay Ellen. Ginaya din  nito ang punto ng matanda. "Ala-eh, Ang haba pala talaga ng hair mo Bes. Pinasundo ka pa talaga ni Homer sa taxi eh." birong sabi nito.

Isang mahinang siko din sa tagiliran ni Shirley ang naging ganti ni Ellen. 

"Mang Caloy. Nakakahiya naman po senyo. Baka Naabala pa namin kayo. Pwede naman kaming sumakay na lang ng jeep eh." sabi ni Ellen.

"Nakow, mahihirapan kayong sumakay ng jeep eh." sagot ng matanda, "Malalim baga ang baha sa daan. Ala-eh napa agit-it nga ireng fx ko sa baha dyan sa Lagusnilad eh. Kalalim pala ng baha doon.. parang ilog eh. Naghana...

Nilason ng Kamunduhan Chapter 8

Submitted by on August 5, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Wife Lovers | Tags: , , , , , ,

Nilason ng Kamunduhan Chapter 8

6:15 p.m.

Tapos na ang shift ni Homer sa trabaho.

Sinalubong si Homer ng malakas na pag-anggi ng ulan sa labas ng employees' exit door.

Biglang humangin ng malakas at naatrasan niya ang isang babaeng nasa likuran niya. Madulas
ang sahig kaya'y muntik na silang matumbang dalawa.

"Sorry miss. Ang lakas kasi ng hangin. Sorry talaga ha?" sabi niya sa babae.

 Morena ito, halos magsingtaas sila sa suot nitong high heels. Tingin niya ay mas bata ito sa kanya. Nakasuot ito ng navy blue coroporate dress ng isang sikat na bangko.

Natawa ang babae "Haha. Grabe ka naman kasi eh. Muntik mo na'kong mapisa ah..."

Natatawang napailing din si Homer sa nangyari sa kanilang dalawa. "Yung hangin kasi eh. Sorry talaga miss" sabi niya sa babae.

Ngumiti si Homer sa kanya.

Ngumiti din ang babae sa kanya at nagsabi, "pasaway din yung hangin noh?, hahaha. Baha na rin kaya sa labas." Nakatingin ito sa mukha ni Homer.

"Hirap na namang bumiyahe, tsk" tugon naman ni Homer at ngumiting muli sa babae.

"Sa loob ka rin ba nagwo-work?" tanong ng babae kay Homer.

"Oo. Sa admin ako dyan sa cinema. Bakit?" sagot naman ni Homer, habang may kinukuha sa loob
ng kanyang bagpack.

"Wala naman. Diyan din kasi sa loob yung bank namin." tugon ng babae,
...

1