Writings about employer (1)
1 of 1

Closet Stories: Betita (Ang Amo na Napaamo)

Submitted by on June 10, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Exhibitionist and Voyeur, Interracial Sex, Romance | Tags: , , , , , ,

Bigo ako sa pag-ibig. Sa edad kong 40, wala akong nakatuluyan sa mga naging nobyo ko.

Ang paghihiwalay ko sa pinakahuli kong nobyo ang pinakamasakit dahil akala ko noon ay siya na ang magiging forever ko---hindi pala dahil napikot siya.

Nagpasya akong magtrabaho sa ibang bansa bilang domestic helper dahil: 1. Kailangan kong tulungan ang pamilya ko at   2. Mabawasan ang sakit sa huli kong nobyo     Mabuti nga lang at ang mga naging amo ko ay mababait naman at maayos naman ang pagpapatakbo ng agency na pinasukan ko kaya halos taon-taon ay nag-aabroad ako para magtrabaho.

Sampung taon na ang nakakaraan nang una akong sumubok magtrabaho sa ibang bansa at dahil masyado ako nalibang sa trabaho ko ay hindi ko na nabigyan ng atensyon ang buhay-pag-ibig ko; tuluyan ko nang tinanggap ang kapalaran kong maging isang matandang dalaga.  

Sa ngayon ay limang taon na ako sa Germany at naninilbihan sa mag-asawang Schulz, mga negosyante na madalas ang biyahe sa loob at labas ng kanilang bansa dahil sa kanilang mga trabaho.

Madalas naiiwan sa mansyon si Friedrich, ang 30 anyos na binatang negosyante at solong anak ng mag-asawa.

Napag-alaman ko na may sarili na ring kayamanan ang batang Schulz dahil tulad ng kanyang mga magulang, magaling magtayo at magpalago ng mga negosyo ito kaya ilang taon lang simula nang makatapos siya ng kolehiyo ay nagtayo siya ng isang kumpanya. Nang lumago ito ay nagtayo naman siya ng isa pa...

1