Writings about Eliyah (1)
1 of 1

Ramen Delight

Submitted by on March 30, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, First Time, Romance | Tags: , ,

“Baby, may bisita ka! Bumangon ka na dyan iha,” tawag sa akin ni Mommy.

Akala ko pa man din ay kaninang madaling araw pa sila aalis ni Daddy dahil may business trip sila. Kaninang alas-singko pa naman ako ng umaga gising pero hindi lang talaga ako lumalabas ng kwarto ko.

“Sino ba yan Mommy??” sigaw ko.

“Ayaw niyang sabihin ko. Bumaba ka nalang dito.”

 “Sabihin mo ang corny nya! Si Kuya Mond na naman yan eh!”

“Tinawag ko muna siya dahil bukas pa ang balik ng yaya mo. Walang mag-aalaga sayo! Oh siya. Gagayak na kami ng Daddy mo.”

“Okay Mommy. Ingat kayo.”

Matapos ng ilang minuto ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko, si Kuya Mond, may dalang food tray. Di ko pa man nakikita ay alam kong ramen ang iniluto niya. Palagay ko nga ay matagal na siya dito sa bahay, kasi hindi naman ako ipinagluluto ng mga magulang ko kung may lalakarin sila. Matangkad si Kuya Mond, sa tantiya ko ay mga 5’9”. Kayumanngi ang balat niya. Parating seryoso ang mga maliliit niyang mga mata at maninipis na labi, na siyang nagpapalitaw sa kanyang matangos na ilong. Ang katawan naman niya ay papasa para sa isang basketbolista ngunit ang kakahayan lamang niya ay mailalagay mo sa kusina. Isa siyang head chef sa isang sikat na hotel dito sa Pilipinas, hotel na pinalalagian ng mga artista na Pilipino o mga galing sa iba pang bansa.

“Good morning Eliyah.”

“Anong oras ka pa andito sa...

1