Writings about dominatrix (1)
1 of 1

Closet Stories: Gary (Mapagpaubayang Alipin)

Submitted by on November 4, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Wife Lovers, Mature, Reluctance | Tags: , , , , ,

Musmos pa lang ako ay natuto na akong makipagsapalaran sa buhay. Panganay sa limang magkakapatid, kailangan kong tulungan ang aking labanderang nanay at litratistang (photographer) tatay. Kung anu-anong trabaho ang pinasukan ko --- naging barker, cigarette vendor at newspaper boy ako noong elementarya habang naging kargador, janitor at kubrador ng huweteng naman noong hayskul. Bente anyos ako nang pumanaw ang aking ama isang taon ang nakaraan kaya ako na ang pumalit bilang litratista sa Luneta na dating trabaho ng aking ama dahil nanghinayang ako kung sa ibang tao pa ang kukuha ng pwesto ng aking tatay.

Balak kong maging isang seaman balang araw. Pero dahil ako na ang tumatayong padre de pamilya sa aking mga kapatid ay tila malabo nang mangyari ito kaya tanggap ko na ang kapalaran ko sa buhay.

Linggo. Marami ang pamilya at mga turistang namamasyal sa Luneta kaya umaasa akong marami ang magpapalitrato kaya maaga akong umalis ng bahay para makarami ng kliyente.

Pero tulad ng dati, inabot na ako ng tanghalian sa Luneta ay wala pang kliyente ang nagpapakuha ng litrato. Karamihan kasi sa mga namamasyal ay may sarili nang mga camera. Alas dos na ng hapon ay hindi pa rin ako kumakain ng tanghalian. Kape lang ang inalmusal kaya ganoon na lang ang pag-atungal ng sikmura ko nang mga oras na iyon.

Nagdesisyon ako na maghintay pa nang isang oras at baka sakaling magkaroon man lang ng pambili ng bigas pag-uwi pero sa kamalasan, lumipas na an...

1