Writings about dilim (2)
1 of 1

Bu.lag.

Submitted by on August 12, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , ,

At nabalot ng karimlan ang aking mundo,
Hindi ko alam kung pano nagkaganito,
Siniyasat ang sarili ngunit nabigo,
Sinubukang aralin at lalong nahilo.

Ninais ng dilim pumasok sa aking puso,
Pinilit labanan ngunit akoy nagapo,
Unti unti natanikalaan nga ako,
Naging alipin ng kadiliman ngang ito.

Nagmistula kong isa sa mga bilanggo,
Hindi makalaya sa kulungan ngang ito,
Hindi makagalaw sa aking pagkapwesto,
Napipintong pagkabulok ay naparito

Masisilayan ko pa kaya ang ilaw mo?
Sa tagal ng pagkakalugmok nalimot ko,
Dahil sa dilim ng puso mata'y lumabo,
Tuluyan ng nabulag ng karimlang ito....

Patak

Submitted by on August 12, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , ,

Sa pagpatak ng ulan sa aking mukha,
Kasabay pinapawi ang mga luha,
Galing sa king malungkot na mga mata.

Ngunit hindi ko to maikakaila-
Na ang kalumbayang iyong dinala,
Di mapapawi tulad ng aking luha.

Pagka't ang sakit na 'yong dinulot,sinta,
Ay nag-iwan ng sugat na naging mantsa,
Na hindi ko ibig na may makakita.

At ngayon nga na ang ulan ay tumila,
Nagtuloy na sa pagpatak mga luha,
Hanggang kaylan pa kaya ito huhupa?...

1