Writings about daing (2)
1 of 1

Daing

Submitted by on December 21, 2015 (11 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Hindi ko alam kung bakit
Sa'yo'y matindi ang kapit,
Kahit na gan'to sinapit;
Heto at nagpupumilit.

Ilang beses nang nasaktan,
Madami pang dadaanan;
Narito at lumalaban-
Di ka pa din mabitawan.

Ako man ay nagtataka,
Ano nga bang mayroon ka?
Upang ako'y mapag-iba
Sa 'king nakagawian na.

Masakit man na isipin,
Di na kelangang sabihin,
Ngunit kelangan tanggapin-
Na di ka talaga akin.

Akin lamang hihilingin,
Na sana nga'y marapatin;
Ikaw sana'y mapasaakin,
Bago maghuling habilin.

BXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXB

copyright2015... you are allowed to enjoy the poem but never,ever share it without the poet's approval. if you chose to post it else where, make sure to notify the poet and acknowledge him in your post. otherwise...

this poem was posted in the poet's fbpage.
 ...

Ang Daing ni Iska

Submitted by on July 3, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Exhibitionist and Voyeur, Group Sex, Taboo, Wife Lovers, Mature, Romance, Toys and Masturbation, One Night Stand | Tags: , , , ,

Ang Daing ni Iska
Hindi katulad ng marami sa inyo na nabuksan ang isipan sa kamunduhan dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya gaya ng sex videos mula sa net at iba pang kalaswaan na makukuha sa media ngayon,namulat ako sa pamamagitan ng isang babae na bumasag sa aking inosenteng kaisipan.

Tawagin na lamang ninyo ako sa aking palayaw,ako si Gido at ang kuwentong ito ay patungkol sa isang babae na hindi ko talaga malilimutan.

Siya si Ate Iska.

Nagmula ako sa probinsya ng Romblon at kami ay nakatira sa isang barrio na malapit sa baybaying dagat.Ang ikanabubuhay ng mga tao sa amin kung hindi pangingisda ay pagdadaing ng mga isda upang ilako din sa aming pamilihang bayan.Simple lamang ang buhay namin noon sa probinsya ngunit sobrang saya namin.

1987.Nagbibinata pa lamang ako noon kagaya ng karamihan sa aking mga kabarkada.High school lang ang pinakamataas na nararating ng mga kabataan sa amin.Kung hindi kami maninilbihan sa bayan bilang silbidor,karamihan ay bumabagsak din sa dagat para magkaroon ng hanap buhay.

Di tulad ng mga kapatid ko,hindi ako isinasama ni tatay sa pangingisda.Ipinanganak kasi akong patpatin at sakitin.Katunayan ay suki ako sa pagamutan ng matandang albularyo sa barrio,na madalas na sisihin ang nuno sa punso kung bakit ako mahina.Natatandaan ko pa,pati paglalaro ng basketball ay ibinawal sa akin dahil ayaw daw ng mga nuno sa likod bahay namin.

Bilang pagtulong sa mga gastusin ni inay,sumam...

1