Writings about CuriousFrankie (2)
1 of 1

Lilok 1

Submitted by on December 24, 2017 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Toys and Masturbation | Tags: ,

Lilok

Ilang araw pa lang naninilbihan si Kathy sa malaking bahay bilang kasambahay.  Inirekomenda siya ng isang kakilala.  Minabuti niyang mamasukan upang makatulong sa kanyang Nanay na sya lamang naghahanap-buhay para sa kanila.  Ulila na sila sa Ama at tatlo pa ang kanyang maliliit na kapatid.  Tanging paglalabada ang ipinambubuhay sa kanila ng kanilang Ina ngunit dahil sa nagkakaedad na ay hindi na masyadong makapagtrabaho.  Napipilitan lang talagang magbanat ito ng buto para hindi sila sumala sa oras ng pagkain.

Dahil dito inihanda na ni Kathy ang kanyang sarili sa anumang hirap na daranasin sa pagtatrabaho.  Hanggang Grade 6 lang ang inabot nya at di na nagambisyong makapagpatuloy pa ng pagaaral dahil sa kalagayan ng kanyang pamilya.

Mababait naman ang kayang naging amo, sila Mr. & Mrs. Cruz.  May edad na ang mga ito at pawang pamilyado na rin ang kanilang mga anak kung kaya’t ang mag-asawa na lang ang nakatira sa malaking bahay.  Madaling pakisamahan ang mag-asawa, Si Mr. Cruz na kahit matanda na ay hindi pa rin tumitigil sa paghahanapbuhay.  Masipag ang lalaking amo sa pagaasikaso ng negosyo.  Kalimitan ay ito pa nga ang tinatakbuhan ng mga anak nito sa oras ng kagipitan.

Maging si Mrs. Cruz ay bihira din tumitigil sa bahay.  Kagabay ito ni Mr. Cruz sa pagaasikaso ng kanilang negosyo.  May mga pagkakataong ang babaeng amo ang nagpapalakad ng negosyo kapag gustong magpahinga ni Mr. Cruz.

Puno ng ka...

Kate at Trish

Submitted by on December 22, 2017 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Lesbian Sex, Romance | Tags: , ,

Matagal nang magkasama sila Kate at Trish, mula pa nung kolehiyo ay magkaklase na sila at nang kapwa magkatrabaho ay napagkasunduang maghati sa isang Condominium Unit.  Sa simula pa lamang ay alam na ni Trish na may pagtingin sa kanya si Kate pero nauna na niya itong tinapat na hanggang pagiging magkaibigan lang ang magiging turing nya kay Kate.  Masakit man sa loob ay tinanggap ni Kate ang pasya ni Trish at nagkasya sa pagiging kaibigan nito.  Sapat na ang sitwasyong kahit papaano ay kapiling naman nya ang babae.  Naging kampante naman si Trish na ginalang ni Trish ang kanyang saloobin at ito ang naging dahilan upang lalo silang naging malapit sa isa’t isa.

May mga pagkakataong nagiging mahigpit si Kate lalo na sa pakikipagkilala ni Trish sa lalake ngunit kadalasan ay tama ang hinala ni Kate dahil sa huli ay lumalabas ang masamang motibo ng mga ito.  Iisa lang ang kanilang pakay.  Napakaganda kasi ni Trish, balingkinitan ang pangangatawan, malulusog ang dibdib, matambok ang pigi,  maputi at makinis ang kutis.  Nagtataglay ito ng mahabang buhok na tila kumikinang ang kintab kapag natatamaan ng araw, mapungay ang mata, may matangos na ilong at mapupulang mga labi na tila napakalambot at masarap halikan.  Dahil dito ay lalong nabuo ang tiwala ni Trish na kapakanan lamang niya ang iniisip ng kaibigan.  May mga pagkakataon naman na nakakakilala sila ng lalaking matino at tanging malinis na pakikipagkaibigan lang ang pakay.

Hindi naman nalalayo sa...

1