Writings about crave (1)
1 of 1

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 8

Submitted by on November 21, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Mature, Romance | Tags: ,

     California, USA

     Paglabas ni Mica at Eddie sa airport ay sinundo sila ng driver ni Enrico, nalula si Eddie sa lawak ng lupaing pinasok ng kotse bago pa makarating sa isang mala-palasyong bahay, luma na ito at mukang itinayo pa ng mga ninuno ng kanilang angkan pero kita ang karangyaan. 

     "Welcome home Gabriel!" Salubong ni Enrico sa binata, nakahilera ang lahat ng mga katulong sa bahay at sa dulo nito ay si Enrico at si Matt. Lahat ng mga katulong ay nagyukuan at nagbigay galang sa kanya. Ilan sa mga ito ay mga pilipina. 

     Nginitian ni Eddie lahat ng mga bumati sa kanya at yumakap kay Enrico at kay Matt. 

     "Come I will show you something." Aya ni Enrico sa binata, isinama niya ito sa likod ng bahay at doon ay nakita ni Eddie ang napakalawak na hardin na maraming mga taong abala sa pag-aayos ng mga lamesa at upuan.

     "Take a rest, because tonight I will introduce you to all the names and faces that are connected to your name." Masayang sabi ni Enrico kay Eddie. Hindi alam ng binata kung ano ang isasagot, inasahan niya na ang ganitong bagay dahil sa yaman na minana niya mula sa ama pero hindi parin niya maiwasang kabahan at malula sa mga nangyayari. 

     Isinama siya ni Enrico sa kanyang magiging silid, nawala na sa isip niya si Mica at nang maalala ito ay hindi niya makita. 

     "Mica is in her room, alam mo naman ang nga babae mas kailangan ng bea...

1