Writings about College Office Truestory (1)
1 of 1

A Tiger's Story: Episode 9 (Utang)

Submitted by on February 13, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Ito na po yung kasunod. hehehe, malapit na din sa wakas.
.
.
So saan na nga ako? Ayun, naalala ko na. Pagkalagay na pagkalaga ko ng phone ko sa bulsa ko ay agad itong nang-ring. Shit, si Natz! Paano nya nalaman yung number ko?! Hindi ko na nga sya tinext para ndi nya malaman yung number ko, yun pla makukuha din nya. For sure isa sa mga kakilala ko ang ngbigay nun. Pero hindi na mahalaga yun, ang nasa isip ko nung mga oras na yun ay kung sasagutin ko ang tawag nya o hindi. Hinayaan ko lang na mag-ring ng mag-ring yung phone ko. Kumpleto na kaming mga magiinuman, sina Shane, Baleleng at Betchay ay kumuha na ng kanya-kanya nilang mga silya habang ako naman ay nakatayo pa din sa isang tabi, nakatalikod sa kanila at medyo malayo para di mapansin ni Shane na may tumatwag sa akin, sumbungera kasi sya at oras na malaman nya na may iba ako ay di yun magdadalawang isip na magsumbong kay Alyn.
Mga ilang saglit pa ay bigla na lang bigla na lang may tumakip sa aking mata mula sa aking likuran. "Hoy! Hule ka! Sino yang tinatawagan mo?" ang bulong ni Betchay sa tenga ko. "Wala akong tinatawagan, ano ba yan!" ang patangging sagot ko sa kanya. Hindi pa din nya inaalis ang pgkakatakip nya sa mata ko habang ngpupumilit na silipin ang hawak kong phone. Medyo nakaramdam ako ng kakaiba sa aking likuran, shit kumikiskis ang napakalambot na boobs ni Betchay mula sa aking likuran. Medyo inililihis ko sa paningin nya ang phone ko at pakunwaring itinatago sa knya kung sino yung tuma...

1